• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy na tuloy kahit may pandemya: SHARON, CHARO, DANIEL, CHRISTIAN at DINGDONG, ilang lang sa maglalaban-laban sa GEMS Awards

KAHIT na may pandemya, hindi nagpatinag ang GEMS – Hiyas ng Sining sa pagbibigay ng award.

 

 

Headed by Mr. Norman Llaguno, inilabas na GEMS ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya.

 

 

Virtual awarding lang muli dahil sa lockdown na naman tayo sa NCR although ang plano sana nila ay live awarding. Magaganap ang virtual awarding sa last week ng February.

 

 

Narito ang nominees sa film category:

 

 

Best Film- A Hard Day (Viva Communications, Inc.), Big Night (The Idea First Company), Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather Is Fine) (Cinematografica), Lockdown (For The Love of Arts Films), On The Job: The Missing 8 (Reality MM Studios, Globe Studios).

 

 

Best Film Director – Carlo Francisco Manatad (Kun Maupay Man It Panahon), Erik Matti (On the Job: The Missing 8), Joel Lamangan (Lockdown), Jun Robles Lana (Big Night), Lawrence Fajardo (A Hard Day).

 

 

Best Performance in a Lead Role (Male) – Christian Bables (Big Night), Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon), Dingdong Dantes (A Hard Day), Kokoy De Santos (Gameboys: The Movie), Paolo Gumabao (Lockdown).

 

 

Best Performance in a Lead Role (Female) Alessandra De Rossi (My Amanda), Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon), Janine Gutierrez (Dito at Doon), Kylie Versoza (The Housemaid), Sharon Cuneta (Revirginized).

 

 

Best Performance in a Supporting Role (Male) Alan Paule (Lockdown), Christopher de Leon (On the Job: The Missing 8), Dante Rivero (On the Job: The Missing 8), Nico Antonio (The Big Night), Ricky Davao (The Big Night).

 

 

Best Performance in a Supporting Role (Female) – Agot Isidro (On the Job: The Missing 8), Angie Castrence (Gameboys: The Movie), Eugene Domingo (Big Night), Jaclyn Jose (The Housemaid), Lotlot de Leon (On the Job: The Missing 8)

 

 

***

 

 

ANG kwento ng ophthalmologist-turned-health advocate, Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla ay isa ng 45-minute short film titled Liwanag na bida ang GMA actress na si Valeen Montenegro.

 

 

Produced by Kapitana Media Entertainment—the company behind the comedy “The Women of TONTA Club that is now streaming on KTX and Upstream PH—”Liwanag: The Life and Legacy of Dra. Minguita Padilla” ay nagpapakita sa journey ng renowned eye doctor mula sa pagiging unassuming medical student to a public health crusader.

 

 

Isa si Dr. Minguita Padilla sa pinaka-active medical advocates sa panahon ng Covid-19 pandemic.

 

 

Ayon sa producer-writer na si Rossana Hwang, gusto nilang ipabatid sa publiko na bago pa man nagka-pandemic, marami nang natulungan si Dra. Minguita, lalo na ‘yung mga may sakit sa mata.

 

 

Bilang founder at president ng Eye Bank Foundation of the Philippines, Inc., si Dra. Padilla ang nanguna sa paghahanap, processing at distribution ng cornea at eye tissues since 1994. Malaking tulong para makakita ang maraming pasyente, lalo na ‘yung mga mahihirap.

 

 

Ayon pa kay Dra. Padilla, hindi raw niya akalain na may gagawa ng biopic tungkol sa kanya. Pero alam niya na kailangan niya ito para makilala siya ng mas maraming tao, lalo na siya ay tumatakbong senador under the Partido Reporma Party ni Sen. Panfilo Lacson at Sen. Tito Sotto.

 

 

“I am taking a big risk sa pagtakbo ko kasi I am leaving my comfort zone pero naniniwala na ako na it’s about time na ang mga health workers ay magkaroon ng kakampi sa senado para magsulong ng mga batas for the welfare of everybody sa health sector,” pahayag niya.

 

Watch Liwanag: The Life and Legacy of Dra. Minguita Padilla, directed by Rember Gelera. The short film can be seen at the following Facebook pages: @DraMinguita, @HeSaidSheSaidPH.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Ads November 16, 2022

  • JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

    NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya .     Sa panayam kay Marcos […]

  • Bawal ang pahinga kay EJ

    MULING  makakaharap ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sina world record-holder Mondo Duplantis ng Sweden at American Chris Nilsen sa Kamila Skolimowska Memorial sa Chorzow, Poland sa Agosto 6.     Kagagaling lamang ng 6-foot-2 na si Obiena sa makasaysayang bronze medal finish sa World Athletics Championship sa Eugene, Oregon.     Lumundag si […]