• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy na tuloy na sa MET ngayong November 27: BOY at ICE, sanib-puwersa sa ikalimang edisyon ng ‘The EDDYS’

TULOY na tuloy na ang ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa darating na November 27 sa Metropolitan Theater (MET).

 

 

Ito ang pagbabalik ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa face-to-face event matapos ang virtual na pagdaraos ng 4th Eddys nitong nagdaang 2021.

 

 

Ang OPM icon at premyadong singer-songwriter na si Ice Seguerra ang magdidirek ng ikalimang edisyon ng The EDDYS habang ang award-winning TV personality na si Boy Abunda ang magsisilbing host ng taunang pagbibigay ng parangal ng SPEEd.

 

 

Ngayong 2022, magtatagisan ng galing at husay ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms noong nakaraang taon. Labing-apat na kategorya ang paglalabanan ng mga nominado, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actress at Best Actor.

 

 

Katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 5th edition ng Entertainment Editors’ Choice ang Fire And Ice Media and Productions, Inc., ang kumpanyang itinatag ng mag-asawang Liza Diño at Ice Seguerra.

 

Makikipagtulungan din sa awards night ng SPEEd ang Globe Telecom bilang partner sponsor, at sa kind support ng JFV Rice Mill at si Bataan Rep. Geraldine B. Roman.

 

 

Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang mamamahala sa pagbibilang ng mga boto para sa 5th edition ng The EDDYS.

 

 

Sa susunod na linggo, ihahayag naman ng SPEEd ang kumpletong listahan ng mga nominado sa acting at technical categories pati na ang mga special awards.

 

 

Bukod sa Isah V. Red Award na ibinibigay ng SPEEd bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng grupo na si Isah V. Red, sa mga natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang larangan, nariyan din ang The EDDYS Icon awardees.

 

 

Abangan din kung sinu-sino ang mga recipients ngayong 2022 ng The EDDYS special awards na Joe Quirino Award, Manny Pichel Award, Rising Producers’ Circle at Producer of the Year.

 

 

Ayon sa bagong pangulo ng SPEEd na si Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal, asahan ang mas kapana-panabik at mas matinding labanan ng mga natatangi at de-kalidad na pelikula sa ikalimang edisyon ng The EDDYS.

 

 

Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalidad na pelikula.

 

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

    Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!      […]

  • PBBM, hangad ang mas maraming kasunduan sa Czech hinggil sa cybersecurity

    HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas maraming kasunduan sa Czech government pagdating sa cybersecurity at defense-industrial sector.  Inihayag ng Pangulo ang mensahe niyang ito nang makipagpulong kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, Huwebes ng gabi, (Philippine time). “We continue to pursue and explore the areas that we spoke about before. We, of […]

  • Perfect influencer para sa global reach ng Beautederm: JERALDINE, kinilig nang i-follow ni DOMINIC kaya nag-follow back

    IPINAKILALA na ng founder ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang kanilang newest endorser noong May 22 sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City Pampanga, wala iba kundi si Jeraldine Blackman. Ayon kay Ms. Rei, na nagsimula sa beauty industry noong 2009, makatutulong ang collaboration na ito sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm, dahil na rin sa global influence […]