Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay: CHARO, pasok na sa ‘FPJAP’ at kaabang-abang magiging karakter
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
SO, hindi pa rin matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil may bagong papasok na kaabang-abang ang karakter na gagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio.
Sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ini-reveal ang pagpasok ng award-winning actress sa teleserye ni Coco Martin na nantunghayan na kagabi (June 17), na sinasabing, “Isang babae ang magsisilbing liwanag sa kanilang madilin nadaan!”
Tama nga ang sinabi ng isang nakausap namin na hindi pa matatapos ang FPJAP dahil marami pang mangyayari. Kung akala nung iba na mamatay na si Cardo eh heto at buhay pa rin ang famed character ng serye.
Kaya kahit na ‘yung di makapaniwala na mabubuhay pa si Cardo after siya mabaril eh nagtataka dahil kahit sobrang bugbog na si Cardo ay kaya pa rin nitong bumangon at makipaglaban.
Hindi pwedeng mamatay ang karakter ni Cardo dahil if that happens, tapos na ang serye.
So, kahit na may balita na mapapanood na ang Darna this July, patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo at ng Task Force Agila.
***
CEO na si Angeline Quinto ng Twinqle, ang baby product line business na kanyang sinimulan habang ipinagbubuntis niya si Sylvio, ang kanyang firstborn.
Ginanap ang launching ng baby product line ni Angeline noong June 15, Miyerkoles sa Chantara Room ng Dusit Thana Hotel sa Makati City.
Naisipan daw ni Angeline ang magbukas ng online business selling na ito ng baby products para makatulong sa mga nanay na gustong kumita kahit na nasa bahay lang sila.
Bago pa lang siya nagbubuntis ay marami nang tanong si Angeline na health issues tungkol sa pag-alalaga ng sanggol. Siyempre gusto niyang maging handa sa pagiging isang ina.
Dati raw ay hindi siya maalaga sa kanyang sarili pero mula ang isilang niya si Sylvio ay naisip niya na dapat maging healthy siya for her son.
Sinabi ni rin Angeline na kinailangan din niyang mag-change ng lifestyle at mag-diet para maging healthy siya.
From being the Queen of Teleserye Theme Songs ay Mompreneur naman si Angeline ngayon with the launch of her baby product line.
“Siguro engaged ka na,” pabirong sabi ng tatlong natirang press people na nag-interview sa kanya after ng launching ng kanyang kompanya naTwinqle na ang specialty ay baby products.
Hindi itinanggi ni Angeline Quinto na engaged na siya sa father ni Sylvio.
Hindi naman tahasang inamin ni Angeline na engaged na nga siya, suot naman niya ang singsing na duda ng press ay engagement ring nila ng kanyang partner.
Hindi naman niya itinatago ang suot niyang singsing. It was there for us to see. Kaya nung tanungin niya kung paano nalaman ng tatlong press people na engaged na siya, ‘yung suot niyang singsing ang sagot doon.
***
KAHAPON ay pormal na iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang parangal sa mga nahirang na National Artists.
Kabilang sa pinarangalan ay ang multi-awarded screenwriter na si Ricardo “Ricky” Lee.
Ayon sa kanya, Biyernes ng gabi (June 10, 2022) nang ipakita sa kanya ng kanyang assistant ang balita sa TV Patrol. Bago pa siya nakapag-react ay nagdating na ang mga text, calls at messages para batiin siya kaya wala siyang time to let it sink.
Pero na-realize daw niya na ang swerte niya dahil kasama niya sa paparangalan ang dalawang babaeng pinakamamahal niya sa industriya na sina Nora Aunor at Marilou Diaz-Abaya.
Ayon pa sa kanya, mahalaga raw ang karangalang ito hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat ng scriptwriter, dahil madalas daw na director at artista lang ang naiisip kapag pelikula ang pinag-uusapan.
Ang karangalan daw na ito ay gentle reminder na mahalaga ring bahagi ng pelikula ang scriptwriter. Kaya sobra-sobra talaga ang kanyang pasasalamat sa kapwa niya mga artists na nagtiwala at nagbigay ng karangalang ito.
Sana ay muling gumawa ng pelikula sina Ricky Lee at Nora Aunor.
(RICKY CALDERON)
-
Gilas reresbak sa Saudi
IBUBUHOS na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang masikwat ang panalo laban sa Saudi Arabia sa pagpapatuloy ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Saudi sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue upang […]
-
Ads November 24, 2023
-
P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa
Aabot sa P17.4 milyong halaga ng PhilHealth premiums o kontribusyon na kinolekta sa mga overseas Filipino workers ang ibinulsa umano ng “sindikato” sa Philippine Health Insurance Corporation. Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay […]