Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan – DOH
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
ASAHAN na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may ibayong pag-iingat sa kanilang kalusugan.
Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 na sinasabing nagdudulot ng panibagong pagtaas ng mga kaso sa Estados Unidos at sa ibang panig ng Europa.
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na natural na susulpot ang mga bagong variants kung magtutuluy-tuloy ang transmisyon nito at ang pinakamabisang dapat gawin ng lahat ay ang limitahan ang pagkalat nito sa pagpapalakas ng proteksyon ng mga sarili at mga establisimiyento.
Idinagdag pa ni Vergeire na dapat maintindihan na ng publiko ang uri o abilidad ng virus at huwag umasa na lamang sa pagsasawalang-bahala kung mahahawa o hindi kapag bumababa ang kaso.
Muli niyang tiniyak na nananatili sa “low risk” ang healthcare utilization sa bansa sa kabila ng bagong subvariant at palaging handa kung sakaling may malaking pagtaas sa mga bagong kaso.
Sa ngayon, nananatili naman umano na epektibo ang hawak na bakuna ng pamahalaan laban sa severe cases. Pero patuloy na nananawagan ang DOH sa mga Pilipino na palakasin pang lalo ang kanilang panlaban sa virus sa pagpapabakuna o pagpapa-booster na dahil sa patuloy ang pagsulpot ng iba’t ibang mga variants.
-
Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy
HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea. Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration. ” We […]
-
Abueva, tinanggihan ang mga alok sa ibang liga
Mas pinili pang maglaro sa PBA kaysa mapunta sa ibang liga si Phoenix Fuel forward Calvin Abueva. Sinabi nito na mula ng masuspendi siya sa PBA noong June 2019 ay inalok itong maglaro sa ibang liga gaya sa MPBL, liga sa Thailand at sa Japan. Ang nasabing mga offier ay kaniyang tinanggihan dahil […]
-
Pinas may silver na
TUMIYAK ng silver medal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam. Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes. Ang […]