• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan – DOH

ASAHAN na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may iba­yong pag-iingat sa kanilang kalusugan.

 

 

Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 na sinasabing nagdudulot ng panibagong pagtaas ng mga kaso sa Estados Unidos at sa ibang panig ng Europa.

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na natural na susulpot ang mga bagong variants kung magtutuluy-tuloy ang transmisyon nito at ang pinakamabisang dapat gawin ng lahat ay ang limitahan ang pagkalat nito sa pagpapalakas ng proteksyon ng mga sarili at mga establisimi­yento.

 

 

Idinagdag pa ni Vergeire na dapat maintindihan na ng publiko ang uri o abilidad ng virus at huwag umasa na lamang sa pagsasawalang-bahala kung mahahawa o hindi kapag bumababa ang kaso.

 

 

Muli niyang tiniyak na nananatili sa “low risk” ang healthcare utilization sa bansa sa kabila ng bagong subvariant at palaging handa kung sakaling may malaking pagtaas sa mga bagong kaso.

 

 

Sa ngayon, nananatili naman umano na epektibo ang hawak na bakuna ng pamahalaan laban sa severe cases. Pero patuloy na nananawagan ang DOH sa mga Pilipino na palakasin pang lalo ang kanilang panlaban sa virus sa pagpapabakuna o pagpapa-booster na dahil sa patuloy ang pagsulpot ng iba’t ibang mga variants.

Other News
  • Sa pagdiriwang ng ‘National Children’s Month’: Sen. IMEE, tatalakayin ang iba’t-ibang isyu kasama ang mga kabataan

    SISIMULAN ni Senator Imee Marcos ang kanyang birthday month sa isang espesyal na vlog entry na ipinagdiriwang ang ‘National Children’s Month’ ngayong Nobyembre   Ipalalabas ito sa kanyang official YouTube channel ngayong Sabado, Nobyembre 5 at makakasama ng senadora ang isang grupo ng mga kabataan sa isang intimate at masayang bonding session na talaga namang […]

  • 8,773 bagong COVID-19 cases naitala ng DOH, ika-2 ‘all time high’ this week

    Nakapagtala ang Department of Health ng 8,773 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Huwebes, kung kaya nasa 693,048 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 693,048 nagpapagaling […]

  • DTI, OK sa plano ng private firms na magbigay ng regalo sa employees na magpapaturok ng vaccine

    Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukala mula sa mga grupo ng mga negosyante na magbigay ng regalo sa mga empleyado ng mga private firms na magpapaturok ng COVID-19 vaccine.     Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, na walang silang plano na magbigay ng anumang passes para sa agad na […]