• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuluyang ipinag-bawal na ang videoke sa Navotas hanggang Hulyo 2021

ITO ang sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay ng kanyang kahilingan sa City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo na gawing “urgent for consideration” ang ordinansang magbabawal sa videoke at malakas na pagpapatugtog hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o habang may online classes.

 

Nakasaad sa liham ni Tiangco sa Konseho na may petsang Oktubre 5 na ipagbawal ang videoke o pag-iingay maliban kung araw ng Linggo dahil nabubulahaw umano ang mga mag-aaral.

 

Gayunman, maaari namang mag-videoke o magkasayahan kung araw ng Linggo subalit limitado pa rin ito mula lamang ala-1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

 

Dagdag pa ni Tiangco, kailangan na magkaroon ng malasakit at pang-unawa sa lahat partikular sa mga estud-yante at guro dahil sa pagbabago ng sistema ng pagtuturo.

 

Aniya malaking hamon ang adjustment sa learning at teaching system kaya kailangan ang suporta ng barangay at local government unit.

 

Samantala, tumalima na rin ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa panawagan ng Philippine National Police (PNP) nang magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbi-videoke tuwing araw upang hindi makaistorbo ang ingay sa mga batang nasa ‘online class’ at mga nagwo-work-from-home na empleyado.

 

Nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang Ordinance No. 8688 na nagbabawal sa paggamit ng karaoke at videoke machines mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.

 

Sinabi ng alkalde na minabuti niyang agad na umaksyon makaraan na makatanggap na ng reklamo mula sa mga magulang ng mga batang naiistorbo ng ingay ng mga kapitbahay nang mag-umpisa na ang pasukan sa mga pampublikong paaralan nitong Lunes.

 

Ang mga lalabag dito ay papatawan ng multang P1,000 sa unang pag-labag, P2,000 sa ikalawa at P3,000 sa ikatlo at higit pang pagkakataon ng pagsalu-ngat sa ordinansa. (Richard Mesa)

Other News
  • Traumatic experience para sa buong team: HERLENE, minabuting mag-back out na lang sa ‘Miss Planet International’ sa Uganda

    LUMABAS last week ang bali-balitang hindi na nga matutuloy sa November 19 ang coronation night ng Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Speke Resort, Kampala, Uganda dahil sa maraming problema.   Nag-post din sa kani-kanilang social media account sina Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow at Miss Planet Jamaica Tonille Watkis, na labis ang […]

  • Damay din sa leaked conversation si Herlene: BIANCA, pumunta ng Japan sa gitna ng isyu sa kanila ni ROB

    PUMUNTA ng Japan si Bianca Manalo sa gitna ng isyu sa diumano’y leaked conversation sa pagitan nila ng co-star na si Rob Gomez. Meron din sina Rob at Herlene Budol. Pawang magkakasama ang mga ito sa serye ng GMA-7 na “Magandang Dilag.” Kaya kung legit talaga ang lumalabas, madaling paniwalain na habang ginagawa nila ito. […]

  • Tanggapan ni Robredo, nagpadala ng tulong sa ash fall-hit ng bayan ng Sorsogon

    NAGBIGAY na ng relief goods ang Office of Vice President Leni Robredo para sa mga nakaranas ng ashfall mula Bulkang Bulusan.     Ang Juban, Sorsogon ay nakaranas ng ashfall mula sa nasabing Bulusan Volcano.     Sa kabilang dako, sa kanyang Facebook, sinabi ni Robredo na dumating na ang kanyang team at nagsimula nang […]