• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TUMAKAS NA SOUTH KOREAN SA DETENTION CELL, NAHULI NA, 2 PA NAARESTO

NATAGPUAN ng  Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City.

 

 

Ayon sa  elemento ng BI  intelligence division (ID) and fugitive search unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38, sa kanyang condominium unit sa  N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police SMART,  San Juan City Police Station Intelligence Branch, MIG 46 SIF, MFC-DI, NISG NCR, at d NBI-AOTCD.

 

 

Siya ang inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco.

 

 

Ayon sa report, si  Kang ay tumakas matapos umanong um akyat sa may taas na 20 feet na perimeter ence  na may barbed wire dakong alas-2:00 ng madaling araw noong May 21.

 

 

“He was limping when our agents arrested him,” ayon kay  Tansingco.  “We suspected that he could have been injured as it was a massive fall on a cemented road,” dagdag pa ng BI Chief.

 

 

Si Kang ay may arrest warrant na inisyu ng Seonsan Branch ng Daejeon District Court noong February sa kasong murder  at abandonment of a dead body  na isang paglabag  sa Criminal Act ng Republika ng Korea.

 

 

Siya ay inaresto ng immigration officers  sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2  nang dumating ito mula sa  Bangkok.

 

 

Dalawa  pang South Koreans ang inaresto na kinilalang si Lim Kyung Sup, 43, at  Kim Mi Kyung, 39 dahil sa pagtatago kay Kang . Nalaman din na si King ay nahaharap ng kaso sa Korea.

 

 

Nahaharap din sa kaso ang tatlo nang nakunan ng 1 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P10.2M.

 

 

Bukod po dito, base sa database, si Kim at Lim ay overstaying na . GENE ADSUARA

Other News
  • KELOT TIMBOG SA SHABU NA PINALAMAN SA PANDE COCO

    BALIK-kulungan ang isang lalaki na dadalaw lang sa kanyang dating kapwa mga inmates matapos makuhanan ng shabu na ipinalaman sa tinapay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Francisco Paquiado, 23 ng 1346 DM Cmpd. Heros Del 96, Brgy, 73 […]

  • ASF kakalat sa summer vacation, picnics – DA

    NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) sa posibilidad na bumilis ang hawahan ng African Swine Fever (ASF) ngayong summer vacation dahil madali aniyang maihawa ang naturang karamdaman sa panahon ng tagtuyot o dry season. Ayon kay Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estope­rez, maraming tao ang tiyak na magbabakasyon at magpipiknik ngayong summer season kaya’t […]

  • Ads December 13, 2024