TUMANGAY NG MOUNTAIN BIKE, ARESTADO
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
KINADENA na, tinangka pang nakawin ng isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ ang isang mountain bike habang nakaparada sa isang parking sa Malate, Maynila.
Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Eric Bedonio, 40, may live-in partner ng 1880 Mayon St., Bulkan, Punta Sta Ana Manila dahil sa reklamo ni Maria Ninel Madlangbayan, 16, sa pamamagitan ng kanyang ina na si Pauline Michelle, isang estudyante ng 2420 Zapanta St.,Singalong, Malate Manila.
Sa reklamo ni Maria Ninel kay PEMSgt Flaviano Garcia Jr., ng Manila Police District (MPD)-Station 9, ipinarada nito ang kanyang bisekleta na isang mountain bike na nagkakahalaga ng P12,000 sa harapan ng isang tindahan upang bumili ng damit dakong aals-5:00 kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Taal at P. Ocampo Sts., Malate, Maynila..
Nabatid na ginamitan pa niya ng chain padlock ang kanyang bisekleta bago pumasok sa tindahan.
Pero paglabas nila ng kanyang pinsan m,ula sa pamimili ay nakita nito ang suspek na pinuputol nito ang chain padlock saka sumakay at itinakaa papalayo.
Tiyempo naman na may paparating na nagpapatrulyang pulis kaya humingi ng tulong na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto at narekober sa kanya ang bisekleta at bolt cutter. (GENE ADSUARA)
-
Kasunduan para masilip ng mga health expert ng bansa ang resulta ng mga clinical trials ng AstraZeneca, tinintahan na
TULUY-tuloy ang pakikipag-usap ng Department of Science and Technology (DoST) sa AstraZeneca, makaraang sabihin na muli silang magsasagawa ng panibagong clinical Trial dahil sa paiba-ibang resulta ng kanilang bakuna laban sa Covid-19. Sa katunayan, ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST sa Laging Handa […]
-
Iniisip na karelasyon na ng aktres si Paulo: Pag-follow ni LJ kay KIM, ikinatuwa ng mga tagahanga ng KimPau
IKINATUWA ng mga tagahanga ng KimPau ang pag-follow ni LJ Reyes sa instagram ni Kim Chiu. Para kasi sa kanila ay parang pahiwatig daw ‘yun may sort of basbas ‘yun mula mismo sa dating karelasyon ni Paulo Avelino. Lalo raw kinilig ang nga fans sa ginawang yun ni LJ. […]
-
MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019
MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.” Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 […]