• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tumataginting na pitong milyong piso: CHAVIT, tuloy ang pagbibigay ng regalo sa kanyang kaarawan

IBANG klase si CPhavit Singson dahil imbes na siya ang manghingi ng regalo para sa kaarawan niya sa June 21 ay siya ang mamimigay ng regalo.

 

 

 

At take note, tumataginting na pitong milyong piso ang ipamimigay niya sa araw mismo ng kanyang birtdhay.

 

 

 

Aniya, “Last year nagpa-raffle ako ng three million five, this year seven million so, pero ang premyo six hundred [na tao] na tigte-ten thousand pero ang last yung one million ang mananalo isa lang, so seven million lahat.”

 

 

 

Simple lamang para ma-qualify; mag-download ng E-Gracia app sa Apple Store at Google Play at sa Facebook page mismo ni Chavit [na Luis Chavit Singson] ng itinayong online E-wallet app ni Chavit na mala-GCash ang proseso.

 

 

 

Matatagpuan rin ang kumpletong mechanics ng pasabog na birthday raffle ni Chavit sa kanyang FB account.

 

 

 

Ang maganda sa E-Gracia na tila wala sa iba, kahit sa ibang bansa ay puwede itong gamitin!

 

 

 

Kuwento pa ni Chavit, “Dahil ang company ko meron akong local bank, meron ding digital bank na national, meron akong bangko kasi sa US, yung Vigan Banco International.

 

 

 

“So dito sa Pilipinas VBank national dahil Hapon ang gumawa.”

 

 

 

Natanong si Chavit kung bakit taun-taon siyang mamigay ng pera tuwing kaarawan niya?

 

 

 

“Para masaya lang, happy life. Maliban na lang kung malugi na ako,” at tumawa si Chavit. “Basta habang may kinikita ako doble-doble.”

 

 

 

Ang E-Garcia ay maaaring ipambayad sa halos lahat ng bills tulad ng MERALCO, Manila Water, Manulife, Cignal, Sky, credit cards sa halos lahat ng bangko, Globe, Smart, mga eskuwelahan tulad ng De La Salle Greenhills, Miriam College, airlines tulad ng Air Asia, Cebu Pacific at Philippine Airlines, mga ahensiya ng gobyerno tulad ng BIR, LTO NBI, at SSS, at marami pang iba.

 

 

 

”Ako namimigay pero ayaw ko yung bigay na, gusto ko yung reward system or yung raffle.

 

 

 

“Ayoko ‘yung nanghihingi nang nanghihingi. Pero kung may makapagsabi na tulungan ko, tinutulungan ko.”

 

 

 

Hindi siya nagbigay ng eksaktong sagot sa tanong kung ilang porsiyento ang itinutulong niya sa mga nangangailangan.

 

 

 

“Walana ano, basta meron ako binibigay ko. Kasi hindi ko naman madadala kasi pag namatay ako, e!

 

 

 

“Kaya palagi kong sinasabi, money is not yours until you’ve spent it.

 

 

 

“Itatago ko, pag namatay ako madadala ko ba? Pag-aawayan pa.”

 

 

 

At dahil kakatapos lang ng Father’s Day nitong Linggo, June 16, tinanong namin si Chavit kung kumusta siya bilang isang ama?

 

 

 

For sure ay galante siya sa pagbibigay ng pera sa mga anak niya.

 

 

 

“Siyempre, oo,” bulalas ng retiradong pulitiko.

 

 

 

“Dahil dalawa lang ang anak ko, dalawa lang sila, dalawa lang ang anak ko… dalawang dosena!

 

 

 

“Kung ano ang kailangan nila binibigay ko. Nakikita ko naman na ano, basta nagbigay sila ng resibo, binibigay ko.”

 

 

 

Anong klase siya ama?

 

 

 

“Mabait, mabait akong tatay.”

 

 

 

Hindi naman raw niya ini-spoil nang husto ang mga anak niya.

 

 

 

‘Kaya nga ako, they have to, ‘Huwag kayong gumamit na yung bigla. Or parang,

 

 

 

‘Huwag kayong sasakay ng elevator, use the stairs always.’

 

 

 

”Meaning mag-aral sila, mag-aral sila. Kasi kung bibigyan mo ng pera na hindi nakapag-aral, hindi natuto, walang experience, mawawala rin, e. Masisira lang sila.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • NBA star Vince Carter bilib sa Pinoy artists

    Nahirang ang dalawang Pinoy artists na manguna sa paggawa ng obra ng nagretirong si NBA star na si Vince Carter.   Matutunghayan ang gawa nina Jayson Atienza at AJ Dimacurot na nakadisplay sa tribute website na ginawa para kay Carter.   Nagpasalamat si Atienza dahil isa siya sa 15 mga artist sa buong mundo na […]

  • COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA

    PATULOY ang pag­baba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group.     Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus.     Batay sa inila­bas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba […]

  • Diaz buhos training lang sa Malaysia

    WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas.   Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.   Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia […]