• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuneup game, sineryoso ng NLEX vs SMB

MASKI na tuneup game lang ang Phoenix Super Basketball Tournament, dadambahin ni Joseller ‘Yeng’ Guiao ang panalo ng kanyang North Luzon Expressway laban sa San Miguel Beer.

 

Sa mga ganitong tagpo aniya masisilip ang progreso ng team, sa chemistry at sa focus sa laro patungo sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 sa parating na Marso 8.

 

Nagmaneho ang apat Road Warriors ng mga dobleng pigura para lasingin ang Beermen 103-97 nitong Lunes sa Upper Deck Gymn sa Pasig City.

 

Pabibo sa Road Warriors ang 14 points ni Joseph Ronald Quinahan, may 11 markers sina Kiefer Isaac Ravena at Bong Galanza. May 10 pts. pa si veteran Paul Asi Taulava.

 

“Any win is a good win, even if it’s in practice,” suma ni Guiao. “Scrimmages like this is basically trying to feel out ‘yung progress as a team, so it’s a good win to beat San Miguel.

 

Nag-amuyan lang muna ang magkatunggali, magkatrintas sa 45-45 nang pumasok sa break at nasa unahan ang Beermen 76-74 pagtiklop ng three.

 

Sinalpak ni Kris Porter ang isang three-pointer para iagwat sa 99-96 ang NLEX 1:17 pa, bago sinigurado ni Ken Ighalo ang panalo para sa isa pang basket 101-95, 22 tikada na lang.

 

Nawalang saysay ang angas na 15 points ni Moala Tautuaa sa San Miguel, at 14 pts. bawat isa nina Terrence, Arwind Santos at Alex Cabagnot. (REC)

Other News
  • NAIA flights tigil muna dahil sa technical issues – Civil Aviation Authority of the Philippines

    KINUMPIRMA ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, na suspendido ngayon ang mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil may mga tinutugunang technical issues kaugnay ng napabalitang mga naantalang biyahe ng eroplano ngayong araw. Batay sa report nagkaroon ng problema ang air navigation facilities ng CAAP. Dahil dito, ang […]

  • Pagpapalawig ng ECQ may ilang bilyong pisong epekto sa ekonomiya – ECOP

    Mayroong malaking epekto sa ekonomiya ang panibagong pagpapalawig ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at sa apat na karatig na lugar nito.     Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr na bilyong piso ang magiging lugi ng mga negosyosa nasabing panibagong isang linggong ECQ. […]

  • Pagtanggal ng Russia sa Swift banking system hindi pa napapanahon – Biden

    HINDI  pa napapanahon na putulin ang Swift banking sa Russia dahil sa ginawa nitong paglusob sa Ukraine.     Sinabi ni US President Joe Biden na marami ng mga panukala para sa sanctions sa mga banko pero kalabisan na aniya kung pagbawalan ang Russia sa Swift.     Maaaring ipatupad aniya ito sa mga susunod […]