• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas, hamon ng KMP

HINAMON ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas.

 

 

Nangangamba ang KMP na baka kasama ito sa mga mga “imposibleng pangako” ni Marcos Jr kaya dapat ihayag ng presumptive president kung paano niya ito gagawin at ano ang malinaw na programa niya para sa lokal na rice industry at agrikultura.

 

 

“Hindi matatanggap ng mga magsasaka ang panibagong Green Revolution at Masagana 99 na nagwasak sa kabuhayan ng mga magbubukid gaya ng ginawa ng tatay niya noon.”

 

 

Matatandaan na nangako si Marcos Jr. na ibababa sa P20 hanggang P30 ang kada kilo ng bigas kung siya ang mananalong Pangulo. Ipinangako rin ni Marcos Jr. na ititigil na ang importasyon ng bigas kapag naging rice self-sufficient na ang bansa.

 

 

“Ang unang dapat gawin para maibaba ang presyo ng bigas ay ipawalambisa ang RA 11203 o Rice Liberalization Law at maibalik sa kontrol sa National Food Authority ang pag-iimport ng bigas. Kailangan rin na masubsidyuhan nang husto ang mga magsasaka ng palay para maitaas ang rice productivity,” ayon kay Danilo Ramos, tagapangulo ng KMP.

 

 

Dagdag pa ni Ramos, dapat rin na maibaba ang presyo ng abono at maipatupad ang Free Irrigation Services Act. “Hindi pwede ang mga pangako at programang hinugot sa hangin gaya ng laging sinasabi ni Marcos Jr. Kailangan may konkretong programa para sa pagpapaunlad ng local rice industry.”

 

 

Sa unang quarter ng taon, patuloy na bumababa ang kabuuang output ng sektor ng agrikultura dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng abono na lumobo na sa Php3,000/sako. Bumaba rin ang bolyum ng produksyon ng palay sa 4.5 million metric tons (MT) mula sa 4.63 million MT. Samantalang ang volume production ng mais ay bumaba sa 2.41 million MT mula sa 2.45 million MT.

 

 

Ayon pa sa KMP, matagal nang may nakahain na panukala kaugnay sa pagpapaunlad ng industriya ng palay at bigas sa Kongreso na dapat maisabatas — ang Rice Industry Development Act. Dapat itong ma-certify as urgent ng paparating na 19th Congress. (ARA ROMERO)

Other News
  • “Climate change, hindi protocol ng dam ang rason sa malawakang pagbaha”- Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS– Sa kanyang pinakabagong pahayag, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan na ang malawakang pagbaha na naranasan ng ilang lalawigan kabilang ang Bulacan matapos masalanta ng Bagyong Ulysses ay dulot ng climate change, na bunga ng aktibidad ng tao at pagwawalang-bahala sa kalikasan, at hindi dahil sa water management protocol ng […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 52) Story by Geraldine Monzon Art by Dhan Lorica

    SA KABILA ng mga balang tinamo ay nagawa pa ring maka-survive ni Bela kahit unconscious pa ito. Matapos naman kausapin ng doktor ang mag-asawang Dominguez ay agad na lumapit ang mga Cabrera upang alamin ang kalagayan ni Jeff.   “He is also a survivor now…but there’s also a chance na hindi na siya magising…” umiiyak […]

  • Gal Gadot’s Netflix Failure, A Bad Sign for Disney’s live-action ‘Snow White’ Reboot

    GAL Gadot’s casting in Disney’s next live-action offering, Snow White, could be a bad sign after her recent Netflix failure, Heart of Stone.     Audience and critic enthusiasm for Disney remakes has been flagging in some quarters as the movie giant continues to release mostly uninspired remakes of its classic animated films. This means next year’s Snow White could […]