• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Turismo palakasin para sa trabaho – Bong Go

SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang badyet at mga programa ng Department of Tourism para sa susunod na taon dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng turismo sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya.

 

 

Ayon kay Go, ang turismo ay isang pundasyon ng ekonomiya at kailangan aniyang maglaan ng sapat na pondo upang mapalago ang sektor na ito kaya naman todo-suporta siya sa patuloy na programa ng Department of Tourism.

 

 

Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Setyembre 10 hanggang 14, nabatid na 27% ng respondent ang tinukoy na ang paglikha ng mas maraming trabaho ang ikatlo sa kanilang concern.

 

 

Ikinagalak ni Go ang pagbubukas ng mga bago at pinahusay na imprastraktura at turismo sa bansa at binigyang-diin na dapat kumpletuhin ang mga proyektong Build, Build, Build ng administrasyong Duterte para sa benepisyo ng mga Pilipino.

 

 

Sinuportahan niya ang pagpapaunlad ng iba’t ibang paliparan at daungan sa bansa para mapalakas ang turismo at oportunidad sa ekonomiya sa mga lalawigan.

 

 

Nagbigay din ng tulong si Go sa sektor ng turismo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang sa Ilocos Norte, Cebu, Batangas, at Antique, partikular sa kasagsagan ng pandemya.

Other News
  • Duque handang ‘mabinyagan’ ng COVID-19 vaccine; hinimok din ang mga kapwa gov’t officials

    Tinanggap ni Health Sec. Francisco Duque III ang hamon ng isang senador na maturukan ng COVID-19 vaccine para maibsan ang takot ng publiko sa bakuna.   Ayon sa kalihim, basta’t dumaan sa evaluation ng Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel, research ethics board, at Food and Drug Administration (FDA) ay handa siyang […]

  • Knockout round sa NBA Cup ngayong taon, buo na

    Buo na ang knockout round para sa NBA Cup ngayong taon, kasunod ng huling laban ngayong araw, Dec. 4.     Uusad sa unang round ng elimination sa Eastern Conference ang Milwaukee Bucks kontra Orlando Magic para sa unang set, at New York Knicks kontra Atlanta Hawks sa ikalawang set.     Sa Western Conference, […]

  • Kamara tinanggap na ang inihaing impeachment complaint vs VP Sara

    PORMAL nang tinanggap ng Kamara ang impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang advocacy group laban kay Vice President Sara Duterte.     Bandang alas-4:30 ng hapon tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco ang formal impeachment case na inihain ng 17 complainants mula sa iba’t ibang civil society groups.   Sinabi ni Velasco na […]