Tuwang-tuwa ang showbiz personalities na sumuporta kina BBM-SARA: TONI, babalikan na ang mga shows na tinanggap sa ibang network
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
IDINAAN sa Instagram ni Kapuso actress Alice Dixson ang pagpapakilala sa eldest daughter niya, si Sassa, na kasama niya at ng bunso niyang si Baby Aura, nang mag-celebrate sila ng Mother’s Day last Sunday, May 8.
Caption ni Alice: “my lifetime to experience it twice’ first with Sassa, our panganay, nang dumating ang bunso, nabuo ang munting family.
“Hindi ko siya na-introduce formally when she was a teen kasi napaka-protective ng father niya, pero ngayon na young lady na siya at masters grad pa – the world is now her oyster.”
Dagdag pa ni Alice sa kanyang post kay Sassa, “I’m very proud of the woman you are and becoming – beauftiful inside ang out.”
Meanwhile, happy and thankful si Alice sa gabi-gabing mataas na rating na natatanggap ng kanilang GMA Telebabad romantic-drama series na First Lady, where she plays the contravida to the First Lady, Melody (Sanya Lopez) and President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), 8:00PM, after 24 Oras sa GMA-7.
***
STILL on Sanya Lopez, inamin ni First Lady, na ninerbyos siya nang kunan ang eksena sa kanilang serye, na dahil kumandidato siyang President, kapalit ng asawang may sakit na si PGA, na nangangampanya sila at nagra-rally, ay parang totoong-totoo.
Ganoon daw pala ang ginagawa sa totoong rally at medyo nakakatakot.
Pero marami raw siyang natutunan sa mga eksenang ginawa niya simula nang maaksidente sa story si PGA at siya ang ni-request nito para siyang kumandidatong president.
Siyempre pa ay hindi nawala ang mga pangungutya kay Melody sa eksena, dahil dati nga raw lamang OFW siya at walang alam pero naglakas-loob na kumandidatong president. Parang totoong-totoo ang mga eksena kaya naman inaabangan ito gabi-gabi ng mga televiewers.
Marami nang naghihintay kung sasabayan daw ng serye ang nalalapit ding proclamation ng 17th President of the Philippines na magaganap sa June 30, 2022.
***
MASAYANG-MASAYA sina Toni Gonzaga, Ai Ai delas Alas, Andrew E. na mga frontliners sa mga rally ng BBM-SARA Uniteam during the campaign period hanggang sa Miting de Avance bago ang election day last May 9.
Ilan lamang kasi sila sa mga artistang supporters ng winning team, na tumanggap ng mga pangungutya mula sa mga kalabang political teams, pero hindi sila lumaban, sa halip ay ginawa lamang nila ang mga trabaho nila saan man sila pumunta kasama ng BBM-SARA Uniteam sa kanilang mga kampanya para magpasaya sa mga taong dumalo sa bawat rally na ginanap sa buong Pilipinas, bago magsalita ang mga kandidato.
Ngayon nagsalita na ang mga tao, pagkatapos nilang bumoto at tumama na rin ang mga surveys, at siyempre pa, tuwang-tuwa na ang mga showbiz personalities na sumuporta sa BBM-SARA Uniteam.
Sana lamang ay mahinto na rin ang mga bangayan at magsimula na ang pagbabagong gusto nating mangyari para sa ating bansa, ngayong narito pa rin ang pandemya ng Covid-19 at ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at marami pa ring walang trabaho.
Tiyak na balik-trabaho na rin ang mga artista. Si Toni ay babalikan na ang mga shows na tinanggap na niya sa ibang network. Si Ai Ai ay magkakaroon ng US show, kasama ang iba pang Kapuso stars. At siguradong gagawa pa rin ng mga movies si Andrew E sa Viva Films.
Congratulations sa lahat ng mga nanalo sa 2022 Election.
(NORA VV. CALDERON)
-
DILG kumilos na rin vs brgy. chairman at treasurer na nasangkot sa sex scandal
Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na ilang mga residente ang naghain ng reklamo mula sa Dasmarins, Cavite laban sa kanilang barangay kapitan at barangay treasurer na nasangkot sa sex scandal. Ayon kay Diño, bago pa man mag-resign ang opisyal na tinaguriang Kapitan Estil, […]
-
TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK
KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]
-
HONEY LACUNA AT YUL SERVO, NAGHAIN NG COC BILANG MAYOR AT VICE MAYOR SA MANILA
NAGHAIN na ng kandidatura si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-Alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2022 election. Kasama ni Lacuna ang kanyang running mate na si 3rd District Congressman Yul Servo Nieto sa paghahain ng kanilang kandidatura sa comelec kung […]