Tuwang-tuwa nang makita at makapagpiktyur: RURU, wish na makapag-guest ang idol na si ROBIN sa upcoming series
- Published on September 27, 2023
- by @peoplesbalita
SI Ruru Madrid na nga ba ang susunod sa mga yapak ni Robin Padilla?
Si Ruru ang tinaguriang Action Prince ng GMA at si Robin ay nananatiling Action Superstar ng Pelikulang Pilipino bukod pa sa pagiging Senador.
At bata pa lamang si Ruru ay sobrang iniidolo na niya si Robin.
Kaya naman labis ang kasiyahan ni Ruru nang magkita at makapagpapiktyur siya kay Robin sa ginanap na Kosmos: Pagtitipon Ng Mga Bituin kamakailan sa isang events venue sa Kyusi.
Isinagawa rin sa naturang pagtitipon ang Konsultasyon Ukol sa Panukalang Batas na Eddie Garcia Law.
Anyways, going back to Ruru, isang mahabang caption ang inilagay niya sa litrato nila ni Robin na naka-post sa kanyang Instagram account.
“IDOLO
“Maraming salamat Sen @robinhoodpadilla
“Kayo po ay malaking inspirasyon para po sa akin pag dating sa paggawa ng mga ma-aksyon na eksena. Tunay na kayo po ang aking tinitingala sa larangan na ito at pangako na pagbubutihin ko ang lahat ng aking ginagawa.
“Ngunit hindi lamang dito kaya ko po kayo hinahangaan, kundi sa pagiging makatao. Alam ko po kung gaano niyo kamahal ang sambayang Pilipino at lahat ng iyong taga suporta. Kaya muli Maraming Salamat po!…”
Malapit nang mapanood sa isang maaksyong teleserye si Ruru, ang ‘Black Rider’ sa GMA.
Wish for sure ni Ruru na maging guest sa show niya si Robin.
***
SINA Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Billy Crawford, Ruffa Gutierrez at Lea Salonga ang ilan sa mga sikat at mahuhusay nating artista na nagmula sa ‘That’s Entertainment’ ni German Moreno o Kuya Germs.
At ngayon naman, sa pamamagitan ng StarKada (na mala-That’s ang peg) ng NET25 at NET25 Star Center ay susubok sila na makalikha ng mga panibagong batch ng mga teenstars na titilian at iidolohin ng masa hanggang sa ang mga ito ay ma-elevate into Superstardom at mahasa bilang mahuhusay na artista, singer, host at kung anu-ano pa.
At ang magsisilbing mentors ng thirty two newbies at head ng NET25 Star Center, hindi basta-basta; actor/director na hindi matatawaran ang husay na si Eric Quizon, at premyadong aktres at singer na si Ara Mina, kaya for sure, aalagwa ang talento at karera ng mga bagong talents ng NET25.
Ang tatlumpu’t dalawang bagong artists ng NET25 Star Center ay sina Nicky Gilbert, Aaron Gonzalez, Kanishia Santos, Jannah Madrid, Nate Reyes, Shira Tweg, Bo Bautista (na anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta), Rachel Gabreza, David Racelis, Dana Davids, Yvan Castro, Ornella Brianna, Shanicka Arganda, Via Lorica, Zach Francisco, Tim Figueroa, Victoria Wood, Miyuki De Leon, Juan Atienza, John Heindrick, Marco Ramos, Gia Gonzales, Jam Aquino, Crissie Mathay, Gera Suarez, Celyn David, Arwen Cruz, Mischka Mathay, Patrick Roxas, Migs Rubia (na alaga ni Rams David ng Artist Circle), Drei Arias at Sofi Fermazi.
Present sa launch nila sa EVM Convention Center sa gusali ng NET25 sina Eric, Ara, Wilma Galvante (Creative Consultant ng NET25) at Caesar Vallejos (NET25 President).
Pero mukhang imposible namang lahat ng nabanggit na thirty two artists ay bobongga so sino kaya sa kanila ang in, at sino ang maa-out?
Abangan.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Makakasuhan kahit magkaayos at magkabalikan… KIT, kaya pa ring patawarin ni ANA sa kabila nang matinding pananakit
SA kabila nang matinding pasa, sakit at trauma dahil sa pambubugbog na diumano’y natamo ni Ana Jalandoni sa boyfriend na si Kit Thompson, nais pa rin daw niyang makausap ito at tahasan din sinabi na kaya pa rin niyang patawarin. Tila nagulat nga ang ilan sa press na nasa presscon ni Ana sa naging sagot […]
-
DOH umamin: Problemado sa global shortage ng testing kits at protective suits vs COVID-19
AMINADO ang Departent of Health (DoH) na hindi pondo ang problema sa pagharap sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kundi ang global shortage ng mga testing kits at protective suits. Sa briefing sa House Committee on Health, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na target nila na makakuha ng 2,000 test supplies kada Linggo subalit […]
-
Kampo ni Robredo pag-aaralan ang social media reports, allegations
INIHAYAG ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo na pinag-aaralan ng kanyang kampo ang mga ulat at alegasyon sa social media. Si Robredo, na kasunod ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 14 na milyong boto laban sa 30 milyong boto ng huli, ay naglabas ng pahayag habang pinasalamatan niya […]