• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH umamin: Problemado sa global shortage ng testing kits at protective suits vs COVID-19

AMINADO ang Departent of Health (DoH) na hindi pondo ang problema sa pagharap sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kundi ang global shortage ng mga testing kits at protective suits.

 

Sa briefing sa House Committee on Health, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na target nila na makakuha ng 2,000 test supplies kada Linggo subalit maging ito ay problema dahil sa kakapusan ng supply.

 

Ayon kay Philippine Hospital Association President Dr. Jaime Almora mayroong kakapusan sa face masks kaya nag-i-improvised o gumagawa na lamang sila ng sariling mga face mask gamit ang mga lumang tela.

 

Sa panig ng DOH, sinabi ni Undersecretary for Procurement and Supply Chain Carolina Vidal Taino na kasalukuyan ay mayroon 59,000 piraso ng N-95 masks ang nasa stocks ng DoH na para sa mga public health worker sa buong bansa na sasapat lamang sa loob ng 1 buwan.

 

Kaya gustuhin man ng DoH na magbahagi sa mga pribadong ospital na nangangailangan din ng suplay ng face masks ay prayoridad muna ng DOH ang government health workers.

 

Umaasa naman ang DoH na ang kakapusan sa face mask ay kanilang mareresolba sa mga susunud na araw matapos na rin tiyakin ng local supplier na Philippine International Trading Corporation na bibigyan ang gobyerno ng suplay na 30,000 piraso ng face mask kada linggo.

 

Samantala, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na humingi sila ng karagdagang P2.8 bilyon upang magbigay ng “emergency jobs” sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa outbreak ng coronavirus disease.

 

Sa kabuuang halaga ng hiningi ng DOLE sa Office of the President, P1.3 bilyon ang nakalaan sa local employment, habang ang natitirang P1.5 bilyon naman ang para sa overseas employment, ani Labor Secretary Silvestre Bello.
Magbibigay din ng livelihood assistance at skills training program para sa mga ‘displaced’ workers ang labor department.

 

Dapat magkaroon ng separation pay ang mga regular na empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pagkalat ng coronavirus. Dapat namang masabihan tungkol sa terminasyon ang mga seasonal workers.

Other News
  • ROBBIE AMELL PLAYS CHRIS REDFIELD IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

    RACCOON City’s small-town all-American hero Chris Redfield is played by Robbie Amell (Upload, The Tomorrow People, TV’s The Flash) in the new action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).   [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]       In the film, Claire is the stranger who goes back to her childhood […]

  • Mayor Tiangco sa DepEd: Ipasa na ang lahat ng estudyante

    NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na kung maari automatic ng ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year kasunod ng ulat ng sunod-sunod na bagong kaso ng Corona virus disease (COVID19) sa bansa.   “Ang Department of Health ay naglabas ng isang update na nagsasaad na mayroon na tayong […]

  • Ads November 22, 2023