TV5, pinagsusumite ng clearance para makakuha ng ‘go signal” ng NTC
- Published on August 26, 2022
- by @peoplesbalita
DAPAT munang magsumite ang TV5 Network Inc. ng clearance mula sa iba’t ibang national government agencies at local government units bago aprubahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang investment agreement nito sa ABS-CBN Corp.
Sa isinagawang pagdinig sa House committees on legislative franchises and trade and industry, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, may ipinalabas na memorandum order na nagre-require sa franchise holder na dapat ay “no outstanding obligations” sa national at local governments bago pa ito pumasok sa isang commercial contract sa ibang entity.
“So for purposes of this, bago po namin aprubahan ang isang commercial agreement entered into na may jurisdiction ang National Telecommunications Commission ay hihingi po kami ng clearances doon po sa kontrata ng franchise holder and that includes clearances from the Department of Finance, nandyan po kasi ang Bureau of Internal Revenue, and nandiyan din po ang Bureau of Customs,” ayon kay Cordoba.
Sinabi ni Cordoba na magpapalabas ang NTC ng clearance kung ang franchise holder ay walang outstanding obligations o nakabinbing kasong administratibo.
Nire-require rin ng NTC ang franchise holder na humingi ng clearance mula sa Securities Exchange Commission (SEC), at local government units kaugnay sa local taxes o real property taxes.
Aniya, ipatutupad din ng komisyon ang koleksyon ng buwis para makalikom ng mas maraming kita, lalo na ang pondohan ang “response and recovery efforts” sa coronavirus pandemic.
“So kung ito po ay itutuloy ng TV 5 ang kanilang transaction with ABS-CBN then we would ask for the said clearances to be submitted to the NTC before we can approve the commercial agreement that they entered into,” aniya pa rin.
Sa ulat, pansamantalang maantala ang “closing preparations” sa paghahati ng ABS-CBN at MediaQuest sa shares ng TV5 upang sagutin ang mga kwestyong ibinabato sa ngayon ng ilang mambabatas at National Telecommunications Commission (NTC).
Matatandaang, noong Agosto 11 nang i-anunsyo ng dalawang media companies na napagkaisahan nilang bigyan ng ng 34.99% ng total voting at outstanding capital stock ng TV5 ang ABS-CBN habang ibababa naman sa 64.79% ang hawak ng MediaQuest sa Kapatid Network.
Sa kabila nito, agad itong pinalagan ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba at sinabing dapat munang maklaro ng Kapamilya Network ang kanilang mga “violations” na naging dahilan daw kung bakit ipinagkait noon ng Konggreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.
“To address the issues which have been raised by certain legislators and the [NTC] on the proposed investment by ABS-CBN for a minority interest in TV5, ABS-CBN and TV5 have agreed to a pause in their closing preparations,” wika ng dalawang kumpanya sa isang joint statement, Miyerkules.
“This pause will give the space for both media organizations to respond to the issues and accommodate any relevant changes to the terms.”
Ang lahat ng ito kahit na Bureau of Internal Revenue na regular namang naghahain at nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN, maliban pa sa “pagsunod sa lahat ng labor laws.”
Matatandaang hindi nagawaran ng bagong legislative franchise noon ang ABS-CBN kung kaya’t nahainan sila ng “cease and desist order” ng NTC.
“Both ABS-CBN and TV5 believe that an agreement between the two media companies will have a favorable impact on Philippine media, and on free-to-air television — which remains the most affordable and extensive source of entertainment and public service to Filipinos,” panapos ng Kapamilya at Kapatid Networks.
Bago ang deal sa pagitan ng dalawang kumpanya, ineere na noon ang ilang palabas ng ABS-CBN sa TV5 bilang block-timer.
Una nang Enero 2022 lang nang maibalitang inilipat na ng NTC sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni dating Sen. Manny Villar ang pagpapatakbo sa mga frequencies na dating naka-assign sa ABS-CBN.
Dati nang nabatikos ang pagkawala ng ABS-CBN sa ere ng mga press freedom advocates at labor groups lalo na’t nabawasan pa raw ng mapagkukunan ng impormasyon ang publiko, maliban pa sa pagkakawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa’t empleyado. (Daris Jose)
-
Proyektong PAREX di na itutuloy ng SMC
INIHAYAG ni San Miguel Corporation (SMC) CEO Ramon S. Ang na hindi na itutuloy ng kanilang kumpanya ang pagtatayo ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX). Taong 2021 ng ihayag ng SMC ang kanilang kasunduan na isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagtatayo ng nasabing expressway bilang isang bahagi ng programa ng pamahalaan […]
-
Tulong sa mga sibilyang nadamay sa pagbagsak ng C-130 tiniyak ng PAF
Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) ang tulong para sa mga sibilyan na nadamay sa pagbagsak ng C-130 aircraft kabilang ang isang 13-anyos na lalaki, isang buntis at dalawang sibilyan na kasalukuyang ginagamot sa hospital. Nabatid na personal na pinuntahan at pinasalamatan ni PAF Wing Commander, Tactical Operations Wing Western Mindanao na si […]
-
12-point program para sa Agrikultura, isinuwestiyon kay Pangulong BBM
IPRINISINTA ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kanilang 12-point program para sa agriculture sector na maaaring ipatupad sa unang 100 araw ni Pangulong Bongbong Marcos. Ang pagsiguro sa agricultural land para sa food production ay isa sa dapat unahin ng bagong administrasyon. Hinikayat ng grupo ang pangulo na magpalabas […]