TWG binuo para balangkasin ang “Sagip Kolehiyo Act”
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
Pinagtibay ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Resolution 1380 na iniakda ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles.
Layon ng resolusyon na hilingin sa komite na hikayatin ang pagsasanay ng mas maraming Pilinong siyentista at dalubhasa sa ibang bansa.
Sinabi ni Dr. Ben Macatangay, kinatawan mula sa Commission on Higher and Technical Education (CHED), na ang suporta ng pamahalaan para sa dayuhang scholarship at pagsusulong ng ibayong pag-aaral at pagsasanay sa ibang bansa ay isang magandang puhunan sa mataas na edukasyon, na tiyak na mamumunga ng maraming manggagawa na may teknikal na kakayahan, kabilang na ang pagpapalawig ng paglilipat ng kaalaman, kasanayan at teknolohiya.
Binuo rin ng komite ang isang technical working group (TWG) na babalangkas sa HB 7446 o ang “Sagip Kolehiyo Act,” na nalalayong gamitin ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST), para sa pag-eenrol at ayuda sa pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo, na mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs), at iba pang mga manggagawa, na nawalan ng trabaho dahil sa pagbagal ng ekonomiya na sanhi ng pandemyang dulot ng COVID0-19.
Layon pa ng panukala na palakasin ang enrollment sa mga pribadong Higher Educational Institutions (HEIs), at maiiwasan nito ang pagdami ng walang trabaho sa bansa.
Inaprubahan ng komite ang mga lokal na panukala: HB 8198 na iniakda ni Deputy Speaker Pablo John Garcia, na naglalayong gawing regular na campus ang Balanban extension campus ng Cebu Technological University (CTU); at ang HB 8247 ni North Cotabato Rep. Jose Tejada, na naglalayong itatag ang isang medical school sa University of Southern Mindanao (USM). (ARA ROMERO)
-
Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games
AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13. “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]
-
Seryoso ang lahat at walang nagba-buckle sa dialogue: DINA, nag-enjoy sa masayang kulitan ng cast dahil nakawawala ng tension
INAABANGAN Mondays to Saturdays ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na tampok sina Carmina Villarroel at Jillian Ward. Interesting na iba’t ibang guest artists ang pumapasok sa mga eksena, kaya nang mawala muna sa eksena si Richard Yap as Dr. RJ Tanyag, nang mag-taping siya ng “Unbreak My Heart” […]
-
CHR, iniimbestigahan ang pag-atake laban sa election candidates, local officials
NAGSIMULA nang imbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-atake laban sa mga election candidates at opisyal sa buong bansa na nangyari bago at matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COC). Kinondena ang pag-atake, sinabi ng CHR na nag-deploy na ito ng ‘quick response operation’ para imbestigahan at suriin kung ang pag-atake […]