UAAP crown nabawi ng UP
- Published on December 17, 2024
- by @peoplesbalita
NAIBALIK ng University of the Philippines ang korona sa kanilang bakuran matapos patalsikin sa trono ang De La Salle University, 66-62 sa do-or-die Game 3 ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.
Nagsanib puwersa sina graduating student JD Cagulangan, Francis Lopez at Quentin Millora-Brown upang akbayan ang Fighting Maroons sa dikdikang laban sa dulo at makuha ang kampeonato sa kanilang best-of-three showdown.
Lamang ng isang puntos ang UP 61-60 sa 1:31 mark sa fourth canto, yumanig ang Big Dome nang isalpak ni Lopez ang pandiinan na tres para hawakan ang 64-60 bentahe.
Natapyasan pa ng La Salle ang lamang ng UP, 62-64 may 46 segundo pa ang nalalabi, pero sinelyuhan ni Millora-Brown ang panalo ng Diliman squad nang ipasok nito ang dalawang libreng tira.
-
SUNSHINE, ‘one take actress’ ang tawag kay BARBIE na first time lang nakasama sa teleserye
THANKFUL si Luane Dy, na mild lamang ang tumama sa kanilang Covid-19 virus, sa pagsi-share niya nito sa 24 Oras. Sila ng husband niyang si Kapuso actor Carlo Gonzales at ang anak nilang si Christiano ang tinamaan nito. Una raw nagkaroon si Christiano ng symptoms pero isang araw lamang nagkasakit ang anak nila […]
-
Navotas humakot ng multiple awards sa exemplary governance
ISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga lokal na pamahalaan na nanguna sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR). Ito’y matapos makatanggap ang Navotas ng Highly Functional rating para sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children and Anti-Drug Abuse […]
-
PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco
PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco para kamustahin ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga rehistradong Navoteño PWDs kung saan nakatanggap ang bawat isa sa kanila ng P3,000. Nagpasalamat naman si Tiangco kay President Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez dahil sa naturang programa. (Richard Mesa) […]