• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UAAP volley hahataw na!

MULING masisilayan ang umaatikabong aksyon tampok ang matitikas na collegiate volleyball stars sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 women’s volleyball tournament.

 

 

Nakatakdang umarangkada ang bakbakan sa Mayo 5 matapos ang pagdaraos ng men’s basketball tournament.

 

 

Kaya naman pagkakataon na ng mga fans na masilayan ang kanilang hinahangaang volleyball players sa collegiate level.

 

 

Ito ang masayang inihayag ni UAAP executive director Rebo Saguisag kung saan umaasa ito na magiging matagumpay din ang pagdaraos sa volleyball tournament gaya ng kasalukuyang ginaganap na men’s basketball event.

 

 

Nasa maluwag na qua­rantine protocols na ang buong Metro Manila kaya’t inaasahang mas magiging maluwag na rin ang UAAP at ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagpapatupad ng safety and health protocols.

Other News
  • LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe

    NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.     Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong […]

  • Sen. De Lima pinayuhan si Pres. Duterte na tutukan na lamang ang problema sa COVID-19

    Sinagot ni Senator Leila De Lima ang naging patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ay matapos na halos siya ang naging laman ng address to the nation ng pangulo nitong Lunes ng gabi.     Sa kanyang Twitter sinabi ng senador na marami na ang namamatay dahil sa COVID-19 ay kung […]

  • Remittance inflows, patuloy na bumababa – BSP

    INIHAYAG  ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mga remittance inflows mula sa mga Overseas Filipino ay patuloy na bumababa noong Pebrero upang markahan ang pinakamababang antas sa loob ng siyam na buwan.     Ang mga cash remittances o money transfer na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o pormal na channel ay umabot […]