• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UFC fighter Vitor Belfort hinamon si Jake Paul

Hinamon ni dating UFC light heavyweight champion Vitor Belfort si YouTube sensation Jake Paul.

 

Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video ng paghamon niya kay Paul.

 

Dagdag pa ng Brazilian mixed martial arts legend na dapat siya ang ang harapin ng American star.

 

Kasalakuyang nakapirma ang 43-anyos na si Belfort sa ONE Championship at huling laban nito ay ng matalo siya kay Lyoto Machida sa UFC 224 noong Mayo 2018.

 

Magugunitang pinatulog ni Paul si dating NBA player Nate Robinson sa paghaharap nila noong nakaraang buwan.

Other News
  • Comelec iniimbestigahan na ang pagtapon ng training ballots sa Cavite

    INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang nadiskubreng pagtapon ng training ballots sa Cavite.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, kanila ng inaalam kung bakit nadala ng F2 Logistics ang kanilang service provider ang mga nagamit na balota mula sa Tondo papunta sa Cavite at bakit anduon ito sa isang tabi. […]

  • Clinical trial ng lagundi kontra COVID-19 sinimulan na – DOST

    NAGSIMULA na ang clinical trial ng lagundi na maaaring maging gamot kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   ‘Yung sa lagundi po, ito po ay nagsisimula na,” ani DOST Philippine Council for Health Research Development executive director Dr. Jaime Montoya.   “Nakapag-screen na sila ng mahigit 150 na pasyente. […]

  • Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin

    Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa kanilang mga kon­syumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kur­yente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin.     Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan […]