• April 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ugnayan ng Pinas-US, “stands on its own”- Amb. Carlson

SINABI ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na walang kinalaman ang anumang bansa lalo na ang China sa commitment ng Estados Unidos na suportahan ang Pilipinas.
Ani Carlson, ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at US ay  “stands on its own.”
Sa isang panayam sa telebisyon, tinanong si Carlson ukol sa kung ano ang kanyang saloobin hinggil sa nakalipas na pahayag ng China na ang dumadaming presensiya ng Estados Unidos  sa Pilipinas sa pamamagtan ng  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ay makaaapekto sa regional stability.
“The Mutual Defense Treaty dates back to 1951. Our commitment to the Philippines stands on its own. Our relationship stands on its own, it’s not about in a third country, it’s not about a single challenge. But we certainly have global challenges when it comes to climate change, when it comes to cybersecurity, when it comes to environmental degradation of our surrounding seas and climate,” ayon kay Carlson.
“There’s so much that we’re working together. It’s not about China. It certainly is not about China alone, it’s about what we do together… It dates back decades. I understand that that argument is out there but that’s not why we’re committed to the Philippines,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ni Carlson na ang “EDCA sites can be used for whatever the Philippine government invites the United States to do.”
“These are not our sites. We do not have any rights to these sites. It’s not as if somehow somebody snaps a finger and all of a sudden everything is open to the United States,” lahad pa ni Carlson.
Inamin din niya na ang Indo-Pacific region ay isang critical regional trade sa buong mundo dahil  90% ng kalakalan ay napupunta sa “across the high seas.”
“A large percentage of that passes through the West Philippine Sea, the South China Sea, to these key straits in this region. So economic security is national security. So making sure that we guarantee prosperity for our people, means we have to have open sea lines of communication,” ani Carlson.
Nauna rito,  binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang karagdagang sites sa ilalim ng EDCA ng bansa kasama ang US ay hindi gagamitin para sa offensive actions.
Ang mga bagong EDCA sites ay matatagpuan sa  Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.
Samantala, tiniyak ng Pangulo na hindi gagamitin ang Pilipinas bilang “staging post” para sa kahit na anumang uri ng military action. (Daris Jose)
Other News
  • Face-to-face college classes simula na sa Enero 31

    GAYA nang pinlano, nakatakdang magsimula ang limited face-to-face classes para sa higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa Pilipinas sa Enero 31.     “The date of the phase 2 of the implementation of limited face-to-face classes for all programs of HEIs in areas under Alert Level […]

  • Sinisigurong magiging proud ang mga anak nila: DINGDONG at MARIAN, excited sa balik-tambalan sa family drama na ‘Rewind’

    TULUYAN na ngang ipinabatid sa buong mundo, sa pamamagitan ng isang Facebook live ang pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang ‘Rewind’ na co-produced ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.     Ayon sa head ng ABS-CBN Film Productions Inc. na si Kriz Gazmen ang mahalagang milestone na naabot na ng […]

  • Pagpapalaya sa 3 suspek sa Dacera rape-slay case bahagi ng due process – PNP

    Bahagi ng due process ang pagpapalaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case. Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson BGen. Ildbirandi Usana .     Gayunpaman, siniguro ni Usana magpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP CIDG sa kaso ni Christine Dacera sa kabila ng naging resolusyon ng Makati court na palayain ang mga suspeks dahil sa […]