• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukol sa drug war… Mga pasabog ni Digong sa Senado, pinalagan ng Malakanyang

PINALAGAN ng Malakanyang ang mga sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatiling malaganap pa rin ang krimen sa bansa.

 

Sa kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na “With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the country. ”

 

Sa katunayan, makikita sa statistics mula Philippine National Police (PNP) ang ganap na kabaligtaran. Mayroon aniyang malawakang pagbaba sa krimen sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

“Moreover, we have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process nor setting aside the basic human rights of any Filipino,” ang sinabi ni Bersamin.

 

Idagdag pa rito, ang insidente aniya na sinasabi ni Pangulong Marcos hinggil sa drug raid sa San Miguel, Manila- ay base sa outdated information. Sa nasabing kaso, isang suspek ang inaresto, ang dala nitong drug paraphernalia ay nakumpiska at ang kasabwat nito ay patuloy at kasalukuyang hinahabol ng mga tagapagpatupad ng batas.

 

Ipinapakita lamang ayon kay Bersamin na ang lahat ng ito, ang bansa ay ligtas, secure ang mas maraming Pinoy at ang hinaharap ay “more assured than ever before” sa ilalim ng pamamalakad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.” (Daris Jose)

Other News
  • 3 drug suspect tiklo sa buy bust sa Caloocan, Valenzuela

    MAHIGIT P.3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., ang pagkakaaresto kay Victor Alferez Jr. alyas “Noy”, 21, at Zaldy Geroso, 38, […]

  • PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

    PINILI ng apat na da­ting Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.     Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny […]

  • PH weightlifting team target na makakuha ng mahigit 2 gintong medalya

    TARGET ng Philippine weightlifting team na makakuha ng hindi bababa sa dalawang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo 12-23.     Pangungunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang nasabing weightlifting team na magdedepensa ng kaniyang women’s 55 kg division.     Makakasama niya sa womens division […]