• December 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukrainian paralympic athletes tuloy pa rin ang laban kahit may kaguluhan sa kanilang bansa

NAGING  malaking hamon para sa atleta ng Ukraine na lumalahok ngayon sa Winter Paralympics.

 

 

Ito kahit nagwagi sila ng siyam na medalya sa dalawang biathlon events.

 

 

Isa rin sa mga manlalaro ang nalungkot matapos na malaman na ang kaniyang ama ay inaresto ng mga sundalo ng Russia.

 

 

Hindi na itinuloy ng 19-anyos na si Anastasiia Laletina ang kaniyang biathlon middle distance sitting race ng mabalitaan ang pagka-aresto ng kaniyang ama ng mga sundalo ng Russia.

 

 

Kahit na mayroong nagaganap na pananakop ng Russia sa Ukraine ay mayroon na silang dalawang gold, apat na silver at tatlong bronze medals sa nagpapatuloy na torneo sa Beijing China.

 

 

Sa kasalukuyan ay nasa pangalawang puwesto ang Ukraine team na mayroong anim na gold habang una ang host country na China na mayroong walong gold medals.

 

 

May tsansa pa na madagdagan ang medalya ng Ukraine dahil sa pagsabak nila ng cross-country sprint races ngayong araw at biathlon events sa Biyernes.

Other News
  • SHARON, nagbiro na handa nang kunin ni Lord ‘pag nakilala si KEANU REEVES; naglambing kina MANNY at JINKEE

    NAALIW kami sa IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan pinasalamatan niya si Sen. Manny Pacquiao sa binigay nito sa inaanak na si Miguel na masayang-masaya.     Caption niya, “My son Miguel is over the moon right now! His godfather/Ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!!! Thanks so […]

  • Bago mag-compete sa Miss Universe sa El Salvador: MICHELLE, tinapos muna ang reservist training sa Philippine Air Force

    BAGO lumipad for El Salvador para sa Miss Universe pageant si Michelle Marquez Dee, tinapos niya muna ang kanyang reservist training sa Philippine Air Force noong nakaraang September 30.       Isa raw sa goal ni Miss Universe Philippines 2023 ay ang maging civilian reservist dahil ayon kay Michelle, “it is one of the […]

  • Biden, magpapadala ng ‘first-of-its-kind’ presidential trade mission sa Pinas

    MAGPAPADALA si  United States President Joe Biden ng  trade at investment mission sa Pilipinas.  Inanunsyo ito ni Biden  matapos makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oval Office o formal working space ng una  sa Estados Unidos. “We’re gonna announce today that I’m sending a first-of-its-kind presidential trade and investment mission to the Philippines,” ayon […]