• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umaasa na bahagi pa rin ng administrasyon: PBBM, may ibang plano kay Tulfo

UMAASA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na mananatiling bahagi ng kanyang administrasyon si dating  Social Welfare Secretary Erwin Tulfo. 
Tinanong si Pangulong Marcos kung ikukunsidera niya si Tulfo sa presidential adviser’s post.
“No, we have other plans for him, not as a presidential adviser,” ayon kay Pangulong Marcos.
At nang tanungin kung mananatili pa rin bang maglilingkod si Tulfo sa ilalim ng kanyang administrasyon, ang tugon ni Pangulong Marcos ay “I hope so… The time that he was running the DSWD, he did a very good job so we can’t lose that kind of asset.”
“We’ll find something that he can do so we could take advantage of his good instincts when it comes to social service,” dagdag na wika nito.
Matatandaang, Nobyembre ng nakaraang taon ay ipinagpaliban ng Committee on Labor, Employment, Social Welfare, and Migrant Workers ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon para sa ad interim appointment ni Tulfo.
Nagmosyon kasi si CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na i-defer ang kumpirmasyon sa ad interim appointment ni Tulfo dahil sa dalawang isyung binanggit ni 1-SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta tungkol kay Tulfo, ang citizenship at ang conviction sa libel case ng kalihim na hinatol noon ng Pasay Regional Trial Court.
Bago humantong sa pagpapaliban sa kumpirmasyon ni Tulfo, halos isang oras ding nag-executive session ang komite para pag-usapan ang isyu base na rin sa hiling ng kalihim.
Sinagot ni Tulfo ang isyu ng pagiging convicted sa kaso na aniya ay nangyari dahil sa pagtupad sa kanyang trabaho bilang mamamahayag.
Pero giit ni Marcoleta, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na nahatulan ito sa kaso lalo pa’t ang libel case ay may kinalaman sa ‘moral turpitude’
Inusisa rin ni Marcoleta ang status ng ‘citizenship’ ni Tulfo dahil napag-alaman na ito ay naging enlisted ng US Army mula 1988 hanggang 1992 at nasa active military service na naka-station sa Europe mula 1992 hanggang 1996.
Maliban sa pagiging enlisted sa US Army ay tumira rin si Tulfo sa Amerika ng ilang taon at nakapagtrabaho sa isang grocery store bago napunta sa US Department of Defense. (Daris Jose)
Other News
  • Naturukan na ng Covid -19 vaccine ang 100k Tsinoy na nagtratrabaho sa POGO sa Pinas

    WALANG impormasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni civic leader Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese POGO workers na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.   “Wala po akong impormasyon kung kung man totoo edi mabuti, 100,000 less possible carriers of the Covid -19 virus,” ayon kay Sec. Roque.   Ukol naman […]

  • Slowly getting there na ang kanilang relasyon: LEXI, umaming gumawa ng first move para mapansin ni GIL

    INAMIN ni Lexi Gonzalez na siya ang gumawa ng first move para mapansin siya ng aktor na si Gil Cuerva.       Nangyari raw iyon noong mag-guest siya sa show na Taste Buddies last year kunsaan host si Gil.       “After noong guesting ko sa ‘Taste Buddies’, inaasar-asar na nila kami no’n […]

  • Displaced jeepney drivers posiblengkunin contact tracers sa COVID-19

    Pinag-uusapan ng pamahalaan ang posibleng pagbibigay ng trabaho sa mga displaced na jeepney drivers bilang contact tracers para sa COVID-19.   Ang pamahalaan ay may planong gumastos ng P11.7 billion upang mag-hire ng mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.   Sila ang mag-identify ng mga taong nagkaroon ng close contact sa mga taong […]