• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umaasang mamahalin din ang role sa bagong serye… GABBY, constant ang communication sa mga kapatid lalo na kay ANDI

BILANG mabait at matapang na commander ng Earth Defense Force, minahal ng publiko ang karakter ni Gabby Eigenmann bilang si Commander Robinson sa ‘Voltes V: Legacy’ na umere sa GMA noong 2023.
Marami nga ang naapektuhan at nalungkot noong namatay si Commander Robinson sa kamay ng mga aliens na Boazanian habang ipinagtatanggol ang anak niyang si Jamie Robinson na ginampanan ni Ysabel Ortega.
At kagabi, April 1, 2024 ay ipinalabas na ang ‘My Guardian Alien’ kung saan gaganap si Gabby bilang si Dr. Ceph.
Kung minahal siya bilang Commander Robinson, ganoon rin ba ang magiging reaksyon ng publiko kay Dr. Ceph?
“To answer that question, iyon ang goal ko,” umpisang tumatawang sagot sa amin ni Gabby, “na sana mahalin.
“But, kasi yung character ko bestfriend ni Tukayo,” pagtukoy ni Gabby sa male lead ng kanilang serye na si Gabby Concepcion, na amily friend nila.
“Kung babasehan natin sa back story iba yung paniniwala ko sa alien, medyo hindi maganda.
“Kaya I don’t think people would love, but I hope people would understand kung saan nanggagaling yung character ko kasi hindi naman siya pinalaki or lumaki na masamang tao.
“Pero siyempre they would expect na, ‘O pag sinabing Gabby Eigenmann another contravida role.’
“Panoorin nila, panoorin niyo para malaman niyo hindi siya masamang tao. So may chance na puwede niyo siyang mahalin at maawa sa kanya.”
Kinumusta naman namin si Gabby sa kanyang muling pagsabak sa trabaho, sa taping ng ‘My Guardian Alien’, gayong kagagaling lamang niya sa isang malungkot na karanasan at marahil ay patuloy na nagluluksa sa pagpanaw ng aktres na si Jaclyn Jose na stepmother ni Gabby.
Si Jaclyn ay naging karelasyon ng ama ni Gabby na si Mark Gil; pumanaw ang mahusay na aktres nitong March 2 dahil sa heart attack.
Lahad ni Gabby, “Actually masasabi ko na yes it’s nice to go back to work kasi nga these past few weeks e medyo, has really been heavy, sa family.
“But… actually in the middle of the whole week, na during the process of the wake nakapagtrabaho ako in between. I just needed a new scenery.
“So that helped a lot,” pakli pa ni Gabby.
“And ngayon we’re still in constant communication kami ng mga kapatid ko especially si Andi,” banggit naman ni Gaby tungkol sa half-sister niyang si Andi Eigenmann na anak nina Jaclyn at Mark, “we’re okay.
“We’re okay, we’re holding on to each other, we’re giving each other strength, as we face new life.
“Okay naman, okay,” pagtatapos pa ni Gabby.
Sa naturang serye ay bida sina Marian Rivera bilang si Katherine at Gabby bilang si Carlos kasama sina Raphael Landicho as Doy, at Max Collins as Venus.
Kukumpleto sa cast sina Marissa Delgado as Nova, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at si Christian Antolin as Sputnik.
Mapapanood ito weeknights @ 8:50 pm sa GMA Prime sa direksyon ni Zig Dulay.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • Habang wala pang bakuna ang DOH: Halamang gamot vs pertussis, itinulak

    ITINUTULAK ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang paggamit ng herbal medicine para labanan ang pertussis outbreak sa ilang bahagi ng bansa, habang hinihintay ng Department of Health (DOH) ang pagdating ng anti-pertussis pentavalent vaccine.     Noong Martes, inirekomenda ni Tolentino ang paggamit ng lagundi, isang halamang gamot sa ubo at sipon, na sagana sa […]

  • NAVOTAS DETAINEES SUMAILALIM SA X-RAY AT COVID TEST

    Nasa 200 na detainees sa Navotas ang sumailalim sa x-ray at swab test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, humingi ng tulong sa Pamahalaang Lungsod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas para sumailalim sa chest x-ray ang mga detainees bago ang kanilang paglipat sa BJMP quarantine facility […]

  • PBBM, naniniwala na ‘Filipino hospitality’ ang nagmamaneho sa turismo sa Pinas

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayang Filipino na ipagpatuloy lamang ang kanilang nakaugaliang tunay na mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga bisita para makatulong na isulong ang paglago at ang kabuuang economic development.     Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano palaging itinatanong ng mga […]