• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS DETAINEES SUMAILALIM SA X-RAY AT COVID TEST

Nasa 200 na detainees sa Navotas ang sumailalim sa x-ray at swab test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, humingi ng tulong sa Pamahalaang Lungsod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas para sumailalim sa chest x-ray ang mga detainees bago ang kanilang paglipat sa BJMP quarantine facility sa Bicutan, Taguig.

 

Ang mga detainees ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas City Police.

 

“Kinakailangan ng BJMP na ang mga detienees ay ma-x-ray muna bago ipadala sa Bicutan facility para sa 28-araw na quarantine. Pagkatapos, dadalhin sila sa Navotas City Jail. Ang mapag-alaman na may problema sa baga ay ihiwalay upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.” Paliwanag niya.

 

Ang mga detainees ay mayroong x-ray sa ilalim ng Project HEAL (HEalthy and Active Lungs), isang programa ng Department of Health at Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa coordination sa USAID at Philippine Business for Social Progress.

 

“Bagaman ang BJMP ay humiling lamang ng x-ray, isinailalim na din namin ang mga detainees sa COVID-19 test upang matiyak na ligtas sila sa virus,” dagdag niya.

 

As of November 23, ang Navotas nakapagsagawa na ng 39,980 swab tests o 14.9 ng papulasyon ng lungsod.

 

Umabot na rin sa 5,252 ang total cases sa lungsod, 5,038 recoveries, 57 active, at 157 ang namatay. (Richard Mesa)

Other News
  • Velasco kay Cayetano: ‘Railroading’ at ‘flawed procedure’ ang ginawa nyo sa 2021 national budget’

    MARIING kinondena ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito dahil sa “pag-railroad” sa 2021 pro- posed P4.5-trillion national budget na nagresulta sa suspensyon ng plenary sessions hanggang Nobyembre 16.   Sinabi ni Velasco, ang ginawa ng kampo ni Cayetano ay salungat sa commitment nito na gawing bukas, […]

  • 5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

    ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 7 Commander P/Capt. Arnold San Juan ang mga naarestong suspek bilang sina Jr Bungadelyo, 28, construction worker, Gary Jose, 40, helper, Jestoni Ebrada, 36, helper, Johnrod Tolentino, 31, cook […]

  • VP LENI sinagot pagiging top spender sa Facebook ads

    NILINAW ng isang 2022 presidential aspirant ang patungkol sa pangunguna niya sa gastusin pagdating sa campaign ads sa isang social media site, habang idinidiing ginawa ito ng kanyang mga supporter upang labanan ang “fake news” at disinformation.     Umabot kasi sa P14.1 milyong halaga ng Facebook advertisements ang nagastos para kay Bise Presidente Leni […]