Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH
- Published on April 19, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.
Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.
Ayon kay Vergeire, mayroon talagang mga tao na ayaw magpaturok sa mismong araw kung kailan sila babakunahan.
Sinabi ni Vergeire na tinatawag nila ang mga ito na “deferrals”.
“So mayroon hong iba’t ibang klaseng deferrals, ang isa diyan ito pong refusing ‘no, refusing on the day of vaccination itself,” ani Vergeire.
Hindi aniya pinipilit ang mga deferrals dahil boluntaryo naman ang pagpapabakuna.
Sa kabila nito, kinakausap pa rin aniya ng mga counselors ang mga tumatanggi sa bakuna at pinagpapaliwanagan upang makumbinsing magpaturok.
Matatandaan na nagpahayag ng pagkairita si Duterte sa mga ayaw magpabakuna na posibleng aniyang maging dahilan nang pagkahawa ng iba sa COVID-19. (Daris Jose)
-
Fernando at BPPO, nilinaw ang mga maling impormasyon kasunod ng mga naiulat na kaso ng mga nawawalang kabataang babae sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Nilinaw ni Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ang mga maling impormasyon at ulat na kumakalat sa social media platforms hinggil sa magkakasunod na napaulat na kaso ng mga nawawalang dalagang nasa edad 13 hanggang 25 sa Lalawigan ng Bulacan. Sa isang press conference […]
-
Kasal nila ni Abby, sa November na: JOMARI, gagarahe na dahil kasama na ang ‘the one I love’
TULOY na tuloy na pala ang civil wedding nina Paranaque City Councilor Jomari Yllana at Abby Viduya ngayong November 2023. Sa media launch para sa Motorsport Carnivale 2023 na ginanap sa Okada Manila, una itong naikuwento ni Abby, na super excited na sa wedding nila ni Joms na gaganapin sa Las Vegas, Nevada. […]
-
Ads December 9, 2021