Umalma sa naging pahayag ni VP Sara sa kanyang lolo at ama… “She crossed the line,’ hopes she’s okay”- Rep Sandro Marcos
- Published on October 23, 2024
- by @peoplesbalita
ITO ang naging reaksyon ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang amang si Pangulong Bongbong at lolo na si yumaong dating presidente Ferdinand Marcos Sr.
“Going ballistic was perhaps the self therapy she prescribed for herself. But she crossed the line, leaving the civic and civil space in which disagreements can be rationally argued,” pahayag ni Marcos sa isang statement.
“Let this be an opportune time to remind ourselves that we mustn’t take our mental health for granted and that above all else I sincerely hope she is okay,” sambit nito.
Hiniling ng mambabatas na magtagumpay ang VP sa kabila ng masasakit na salitang binitawan nito laban sa kanyang ama at lolo.
“As such, I still wish the Vice President well. Ultimately, her success, like the President’s, will be the success of our nation as a whole. May she find the peace of mind and mental clarity that seems to be eluding her,” ani Rep. Marcos.
Hindi umano siya nagsasalita noon una bilang respeto na rin sa pangalawang pangulo sa ibinigay sa kanyang mandato at reponsibilidad na kasama ng kanyang tanggapan.
“However, as a son, I cannot stay silent while she threatens to exhume a former president and behead an incumbent one. Besides, her bizarre temper tantrum has been condemned by a nation horrified from such displays of insensitivity towards the dead and cruelty to the living,” dagdag nito.
Hindi nagbigay ng reaksyon ang pangulo at pinayuhan din siya ng kanyang ama na huwag nang magbigay reaksyon sa mga naging pahayag ni Duterte.
“For his part, the President had not said anything against her that can be remotely construed even as a mild rebuke against her tirades. He even advised me to withhold my disappointment and refrain from making a statement. However, one must draw the line at some point and it’s frankly long overdue,” giit into. (Vina de Guzman)
-
Ads December 7, 2021
-
P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30
TARGET ng gobyerno na i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid para sa mga low income families bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong buwan. Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng joint memorandum circular ang Department […]
-
MECQ sa NCR ‘di ipinapayo ng OCTA na luwagan
Binalaan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group ang pamahalaan sa pagluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions sa National Capital Region (NCR) kahit pa bahagyang bumagal na ang pagkalat ng sakit. Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na dapat tumagal muna ng ilang linggo na mababa sa 1 ang reproduction […]