• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakilalang si Romy Aluad, 24, ng Damata St. Brgy. Tonsuya.

 

Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Julius Mabasa, naganap ang insidente alas-10 ng gabi sa Block 2, Damata, Brgy. Tonsuya.

 

Papunta ang biktima sa kalapit na tindahan nang mapansin nito ang suspek na nagwawala at naghahamon ng away habang may bitbit na bote ng alak.

 

Sinita ng biktima ang suspek at tinangkang awatin subalit, nagalit ito saka binasag ang hawak na bote bago pinagsasaksak sa katawan si Lazaro.

 

Sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao na iprisinta ang suspek sa inquest proceeding sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • DA, naghahanda ng P164-M halaga ng tulong matapos manalasa si ‘ Julian’

    NAGHANDA ang Department of Agriculture (DA) ng P164.27 milyong halaga ng agricultural inputs na ipamamahagi sa mga apektadong lugar kasunod ng matinding pananalasa ng Super Typhoon Julian.     Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, kabilang sa ‘available interventions’ ay ang pre-position ng agricultural inputs gaya ng bigas, mais at vegetable […]

  • Mahigit 27,000 barangay, nalinis na mula sa illegal na droga- Malakanyang

    TINATAYANG 27,968 barangay ang nalinis na mula sa illegal na droga.     Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP).     Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 billion na halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hang gang Disyembre ng nakaraang taon. […]

  • Pilipinas, ika-2 pinakamasayang bansa sa Southeast Asia

    ANG PILIPINAS na ngayon ang pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asia.     Ayon sa 2022 World Happiness Report (WHR) na inilabas ng Sustainable Development Solutions Network (SDSN).     Pang-60 ang bansa sa 146 na ekonomiya sa mundo na may markang 5.904 sa ika-10 edisyon ng WHR.     Ang Pilipinas ay napabuti […]