• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umento ng government workers matatanggap na

MAAARI nang matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa sahod ngayong taon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hinihintay na lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito.
Lumalabas na nasa P36 bilyon ang nakalaang alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal Year 2024.
Nilinaw naman ng kalihim na retroactive ang salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno mula Enero ng taong ito, subalit hindi niya matukoy kung magkano ang itataas sa sahod.
Para naman sa susunod na taon, naglaan aniya ang DBM ng P70 bilyon para sa susunod na tranche ng salary adjustment sa mga kawani ng gobyerno kasama na rito ang taas sweldo para sa mga guro.
Bukod sa dagdag sweldo, mayroon ding aasahang P7,000 na cash na medical allowance ang mga kawani ng gobyerno, kung saan nasa P9.6 bilyon ang inilaang pondo para rito.
Iginiit diin ni Pangandaman na mahalagang mabigyan ng atensyon ang kalusugan ng mga kawani ng gobyerno.
Other News
  • ‘Herd immunity’ sa Pasko sa NCR Plus 8, posible

    Posible pa rin na maabot ang ‘herd immunity’ sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar sa bansa laban sa COVID-19 sa pagsapit ng Pasko kung matitiyak ng pamahalaan na hindi kakalat sa Pilipinas ang Delta variant na nagmula sa India.     Sinabi ni Fr. Nicanor Austriaco, miyembro ng OCTA, na tiwala siya […]

  • Guillermo: Ang Handog ng Obra, dinominaang 4th SINEliksik Bulacan and Docu Special

    NAGWAGI ng apat na pangunahing gantimpala at nag-uwi ng P170,000 premyo ang dokumentaryong “Guillermo: Ang Handog ng Obra” sa ikaapat na SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito.     Nagwagi ng Best Documentary Film, Best Research, Best Cinematography, at Best […]

  • “Under a Piaya Moon” at “Last Shift”, waging-wagi sa ‘Puregold CinePanalo Film Festival’

    ANG “Under a Piaya Moon” at “Last Shift” ang nagwagi sa inaasam-asam na Pinakapanalong Pelikula sa full-length and short film category sa inaugural na Gabi ng Parangal ng Puregold CinePanalo Film Festival.  Ginanap noong Marso 16 sa Gateway Cineplex 18, ito ay isang emosyonal na gabi bilang parehong established names pati na rin ang mga […]