UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card
- Published on December 12, 2022
- by @peoplesbalita
PAPALITAN na ang regular UMID card na ginagamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos makipagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.
Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, loans, at refunds, at maaari ring maka-access sa mga participating banks na may available ATMs, at online & mobile platforms para sa kanilang banking transactions.
Sinabi ni SSS President at CEO Michael Regino na ang UMID ATM Pay Card program ay mas accurate at nasa tamang panahon na makukuha ang benepisyo at loans ng mga miyembro.
“Currently, SSS is offering UMID ATM Pay Cards that are linked to a regular savings account, with the Union Bank of the Philippines (UBP) as the first participating bank. The UBP will also allow those with pending generic UMID cards for production to avail of this upgrade for free,” sabi ni Regino.
Ang SSS member na kukuha ng card ngayong taon ay tatanggap ng P200 Jollibee e-Gift Certificate at may tsansa na manalo ng Mitsubishi Xpander mula sa UBP oras na ma-activate ang kanilang account na may P1,000 deposit sa bangko. Ang promong ito ng UBP ay tatagal hanggang Pebrero 28, 2023.
Sa unang tatlong buwan ng 2023, ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ay mag-iisyu na rin ng UMID ATM Pay Cards para sa SSS members. Isusulong din SSS ang partnership sa iba pang bangko para sa naturang pay card.
Hinikayat ng SSS ang lahat ng miyembro nito na mag-register sa My.SSS portal sa www.sss.gov.ph, at e-enroll ang updated contact information kasama na ang mobile numbers at email addresses para makatanggap ng mga mahahalagang impormasyon at updates tungkol sa UMID ATM Pay Card at ibang impormasyon mula sa SSS. (Daris Jose)
-
China, nangakong makikipagtulungan sa EU para sa Russia-Ukraine crisis
SALUNGAT ang naging pananaw ng mga pinuno ng European Union at China hinggil sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ipinahayag ito ni European Commission President Ursula von del Leyen matapos na idaos ang kauna-unahang EU-China summit sa loob ng halos dalawang taon na ginanap naman sa Brussels. […]
-
Ads August 30, 2022
-
VAW, hadlang sa economic dev’t -DBM
SINABI ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang violence against women (VAW) ay isang “significant impediment” sa socioeconomic development. Ipinalabas ni Pangandaman ang kalatas kasabay ng paggunita sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. “As a staunch advocate of women empowerment, gender equality and children’s rights, I stand firm in my […]