UN chief sa mga world leaders: Mamili sa climate ‘solidarity’ o ‘collective suicide
- Published on November 9, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni UN chief Antonio Guterres na ang sangkatauhan ay nakikipaglaban sa kanilang buhay habang pinaiigting ng climate change ang tag-tuyot, pagbaha at heatwaves.
Inihayag ni Guterres sa isinagawang Egypt on curbing global warming na ang international community ay nahaharap sa tinatawag na “stark choice” sa gitna ng international crises na bumubugbog sa ekonomiya at pag-uga sa international relations— mula COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine hanggang weather extremes.
“Cooperate or perish,” ang sinabi ni Gutteres sa mga lider na dumalo sa UN COP27 summit sa Red Sea resort ng Sharm el-Sheik sabay sabing “It is either a Climate Solidarity Pact, or a Collective Suicide Pact.”
Nanawagan naman si Guterres ng tinatawag na “historic” deal sa pagitan ng mga mayayamang bansa at umuusbong na ekonomiya na naglalayong bawasan ang emisyon at panatilihin na mataas ang temperatura sa ” more ambitious Paris Agreement target of 1.5 degrees Celsius above the pre-industrial era.”
Aniya, ang target ay dapat na renewable at affordable energy para sa lahat, panawagan sa mga top emitters, partikular na ang Estados Unidos at China, na paigtingin pa ang kanilang mga pagsisikap.
Sa kasalukuyang trajectory, sinabi ni Guterres na “we are on a highway to climate hell with our foot still on the accelerator.”
“At around 1.2°C of warming so far, impacts are already accelerating on all fronts,” aniya pa rin.
“Major droughts in the Horn of Africa have pushed millions to the edge of starvation, deadly floods in Pakistan swamped farmland and destroyed infrastructure, causing more than $30 billion in damage and losses according to the World Bank,” ayon sa ulat. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Ads September 13, 2021
-
APPLE ORIGINAL FILMS UNVEILS NEW FEATURETTE, “CHARACTER CHRONICLES: LEONARDO DICAPRIO AS ERNEST BURKHART”, FOR MARTIN SCORSESE’S HIGHLY ANTICIPATED “KILLERS OF THE FLOWER MOON”
APPLE Original Films has unveiled a new featurette, “Character Chronicles: Leonardo DiCaprio as Ernest Burkhart”, for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon.” Starring DiCaprio, Robert De Niro and Lily Gladstone, “Killers of the Flower Moon” will premiere in theaters around the world, including IMAX® theaters, on October 18. Challenged and motivated by the […]
-
Tennis star Osaka nakiisa sa protesta
Tuluyan nang umatras sa paglalaro sa Western & Southern Open tennis tournament si Japanese star Naomi Osaka bilang pagpapakita ng suporta sa umano’y racial injustice sa America. Bilang protesta, inanunsyo ng 22-anyos na tennis star ang pag-atras nito sa palaro ilang minuto matapos ang pagpasok nito sa semifinals ng palaro. Matatandaang ilang sporting […]