UN pinaghahanda ang mundo sa El Niño, bagong heat records
- Published on May 5, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang United Nations (UN) tungkol sa lumalaking posibilidad na magkaroon ng bagong heat records dahil sa weather phenomenon na El Niño na mararanasan sa mga susunod na buwan.
Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng World Meteorological Organization ng UN ang 60% na posibilidad na ang El Niño ay mag-develop sa katapusan ng Hulyo at mayroon ding 80% tiyansa na maganap ito sa katapusan ng Setyembre.
Ang El Niño, ayon sa ulat ay isang natural na climate pattern ng klima na karaniwang nauugnay sa pagtaas ng init at tagtuyot sa buong mundo, at malakas na pag-ulan sa ibang lugar.
Ito ay huling naganap noong 2018 hanggang 2019.
Mula 2020, ang mundo ay tinamaan ng napakahabang La Niña na kabaligtaran naman ng El Niño.
Gayunpaman, sinabi ng UN na ang huling walong taon ang pinakamainit na naitala, sa kabila ng paglamig ng epekto ng La Niña sa halos kalahati ng panahong iyon.
Sinabi ni WMO chief Petteri Taalas na ang La Niña ay nagsisilbing isang pansamantalang preno sa pandaigdigang pagtaas ng temperatura.
Sinabi rin ni Taalas na ang pagbuo ng isang El Niño ay malamang na humantong sa isang bagong spike sa pandaigdigang pag-init at tataas ang posibilidad na magkaroon ng bagong world record sa temperatura kaya kailangang magkaroon ng early warning device upang maging ligtas ang mga tao.
“The world should prepare for the development of El Niño,” pahayag ni Taalas.
-
Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia
Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa. Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa […]
-
Titans are smashing through the big screen as “Godzilla x Kong,” filmed for IMAX, arrives on March 30
THE fearsome Godzilla and the mighty Kong are back in action as Godzilla x Kong: The New Empire sees the legendary Titans work together to defeat a mysterious new threat that challenges the existence of Hollow Earth and humanity. Filmed for IMAX, see the larger-than-life creatures lead the fight for this world on the big […]
-
Spot report ng Sulu PNP sa pagpatay sa 4 sundalo ‘fabricated’ – army chief
Hindi katanggap-tanggap at nakakagalit ang inilabas na spot report ng Sulu PNP hinggil sa pagkakapatay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel ng mga pulis sa Jolo,Sulu. Tinawag ni Philippine Army Commanding General, Lt Gen. Gilbert Gapay na fabricated ang report at “full of inconsistencies at very misleading.” Naniniwala si Gapay na […]