• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Unahin vaccination rollout sa NCR’– experts

Inirekomenda ngayon ng OCTA Research group sa national government na bigyang prayoridad ang vaccination rollout ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ang NCR kasi ang ikinokonsidera ngayong sentro ng pandemic na nakakaapekto sa sitwasyon sa buong bansa.

 

 

Aniya, hindi raw lalaganap ang covid sa Metro Manila kapag mababakunahan ang nasa pito hanggang sa walong milyong mga residente.

 

 

Mas maigi rin umanong mabakunahan din ang mga residenteng nasa paligid ng NCR gaya ng Calabarzon at Central Luzon na marami ring kaso ng nakamamatay na virus.

 

 

Dagdag ni David, matatagalan daw ang Pilipinas na maabot ang herd immunity sa target nilang 70 percent ang mga mababakunahan sa kabuuang populasyon ng bansa o nasa 70 million na katao

 

 

Una rito, sinabi ng OCTA na posibleng aabot sa 11,000 covid case ang maitatala sa Metro Manila pagsabit ng katapusan ng buwan ng Marso. (Daris Jose)

Other News
  • Speaker Romualdez, binalaan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas at bawang sa merkado

    “YOUR  days are numbered.”     Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez sa mga nagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang para tumaas ang bentahan sa merkado na kagagawan ng mga unscrupulous traders and hoarders.     Sinabi ni Speaker na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga nasabing indibidwal na nasa likod […]

  • Congratulations sa Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings

    GUSTO kong i-congratulate ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings pagdomina sa Virtual Special Awards Night ng 45th Philippine Basketball Association 2020 na ginanap nitong Linggo, Enero 17 makaraan ang isang buwang pagwawakas ng Philippine Cup sa Angeles City, Pampanga bubble.   Umiba ng nakagawian ang propesyonal na liga, walang ginawarang Most Valuable Player sanhi […]

  • Mga motorsiklo papayagan na dumaan sa bike lane sa Valenzuela

    INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian na papayagan na ang mga single motorcycle na dumaan sa designated bike lane sa lungsod simula December 25, 2022.     Ito’y base sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay puwede na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng […]