• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Championships EJ umukit ng kasaysayan!

HINDI man gold medal ang kanyang nakamit ay nakagawa pa rin ng kasaysayan si national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para ang­kinin ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships kahapon sa Eugene, Oregon.

 

 

Ang nasabing performance ng World No. 6 pole vaulter ay isa ring bagong Asian record at kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa world championships.

 

 

“2022 World Athletics Championships. Philippines is the best in Asia for pole vault. And 3rd best in the world,” sigaw ng 6-foot-2 na si Obiena sa kanyang Facebook post. “Hungry for more cookie. The best is yet to come.”

 

Sinira ng two-time Southeast Asian Games gold medalist ang dati niyang personal best na 5.93m na itinala niya sa International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

 

 

Nauna nang nabigo ang 26-anyos na si O­biena noong 2019 edition ng world championships nang hindi makausad sa final 12.

 

 

Madali niyang natalon ang 5.55m sa kanyang first attempt, ang 5.70m sa second attempt at 5.80m at 5.87m sa first attempt.

 

 

Inangkin ni world record-holder at Olympic Games winner Armand Duplantis ng Sweden ang gold medal sa pagpoposte ng bagong world record na 6.21m  habang si American Chris Nilsen ang kumuha sa silver sa nilundag na 5.94m.

 

 

Naagaw ni Nilsen ang silver medal kay Obiena via countback nang makuha ng American ang 5.94m sa kanyang first attempt  habang nailista ito ng Pinoy bet sa second attempt.

 

 

Inaasahang makakatanggap si Obiena ng cash incentive mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at sa Philippine Olympic Committee (POC).

Other News
  • Opening ceremony ng Paris Olympics naging makasaysayan kahit umulan

    HINDI natinag ang ilang milyong mga katao na nanood ng pormal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.       Nagdala ng mga payong at kapote ang karamihan para masaksihan ang makasaysayan at kakaibang pagbubukas ng Olympics na ginaganap sa River Seine.     Hindi gaya sa mga nakagawian na sa mga stadium ito ginaganap […]

  • Bishop Pabillo, nababahala sa mai-expired AstraZeneca vaccines

    Nababahala si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinggil sa mga dumating na karagdagang 2-milyong donated COVID-19 AstraZeneca Vaccines sa bansa noong nakaraang linggo.     Ito’y matapos makumpirma ng Department of Health na ang 1.5 doses ng nasabing vaccine ay mag-eexpired na sa Hunyo 30 at ang iba naman ay sa Hulyo 31.   […]

  • Ads July 26, 2022