Underground powerlines at communications cables, kailangan sa mga typhoon-prone sa bansa
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
AYON kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, upang maprotekatahan mula sa malalakas na hangin dala ng bagyo o kalamidad ay dapat na ibaon sa lupa ang kable ng kuryente at komunikasyon.
Dapat ding ipasa ang mga panukalang batas ukol sa pagmodernisa o pag-update sa national building code at national land use policy.
Karamihan aniya sa mga siyudad, bayan, buildings, at kabahayan ay hindi matatag laban sa mga bagyo, baha at lindol.
“Sawang-sawa na ang milyung-milyong Pilipino sa epekto ng mga kalamidad, pero wala naman tayong ginagawang permanenteng solusyon, kaya paulit-ulit tayong nagpe-penitensiya tuwing may kalamidad,” anang mambabatas.
Ang kailangan aniya ay mga bagong typhoon-resilient designs na mga bahay at buildings at pagpasa ng importanteng mga panukalang batas ukol sa land use management policy at National Building Code. (Ara Romero)
-
Marcos idineklarang ‘regular holiday’ ika-10 ng Abril para sa Eid’l Fitr
IDINEKLARA bilang regular na holiday sa buong Pilipinas ang paparating na Miyerkules para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan, bagay na nangyayari matapos ang isang buwang pag-aayuno sa Islam. Ito ang ibinahagi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ngalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes sa pamamagitan ng Proclamation 514. […]
-
Gatchalian, handa sa hamon sa DSWD
“GIVE me a chance to lead and perform my new job (DSWD Secretary)!” Ito ang mariing apela ni dating Valenzuela Congressman at ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa kanyang mga kritiko. “Nakikiusap lang ako sa lahat ng mga kritiko o mga nakatingin, bigyan n’yo na lang […]
-
NBA stars bibida sa USA Basketball team na sasabak sa Paris Olympics
PORMAL ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics. Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr. Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at […]