Unfinished gov’t projects, hindi magiging ‘white elephants’- Andanar
- Published on March 26, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na hindi magiging “white elephants” ang mga unfinished infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program dahil dumaan ito masusing assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) bago pa ito inaprubahan.
Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na sabihin ni presidential bet Senator Ping Lacson sa kamakailan lamang na presidential debate kung ano ang kanyang pananaw hinggil sa “Build, Build, Build” program lalo pa’t 12 lamang mula sa 118 proyekto ang natapos.
Binasura naman nito ang espekulasyon na ang mga proyektong ito ay aabandonahin para sa iba’t ibang dahilan.
“Lahat ng project na ginagawa ng gobyerno lalung-lalo na iyong mga big-ticket projects ay pinag-aralan ng NEDA. Iyong ating mga ekonomista diyan sa NEDA ay mga professional, sila ay nandiyan hindi lang para magdesisyon lang nang ganun-ganun lang,” ayon kay Andanar.
Aniya pa, naghihintay lamang ng tamang oras ang mga proyekto para makompleto dahil mangangailangan pa kasi ito ng pag-aaral at detalyadong pagpa-plano.
“Kapag sinabi mong maging isang puting elepante, eh ibig sabihin noon ay hindi siya napag-aralan nang husto. And I would beg to disagree na magiging white elephant itong malalaking projects na ito sapagkat iyon nga, nandiyan iyong ating checks and balance natin eh – hindi lang sa NEDA nandiyan din iyong Congress,” aniya pa rin.
Binigyang diin ni Andanar ang kahalagahan ng “Build, Build, Build” sa pagtulong na makalikha ng trabaho at pangkabuhayan sa gitna ng pandemic-induced recession.
“Doon pa lang makikita mo na, the 6.5 million to 7 million or 8 million jobs na nailikha ng BBB ay isa sa mga dahilan kung bakit naging inclusive iyong ating economy,” anito.
At nang hilingin na pangalanan ang mga infrastructure project kung saan matatandaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Andanar na “too many to mention.”
Tinukoy nito ang mga nagpapatuloy na proyekto ng Metro Manila Subway Project (MMSP) at NLEX-SLEX Connector Road Project at maging ang mga completed projects gaya ng Bohol-Panglao International Airport at ang Bicol International Airport .
“The infrastructure program of this government has never been this good kung titingnan mo iyong history. But moving forward, dapat kasi itong mga Build, Build, Build projects na mga ito, should be there regardless of who is the one sitting as president kasi ito naman ay para sa lahat ng mga kababayan natin ,” dagdag na pahayag nito
Aniya pa, ang pagpapatuloy at pagkompleto sa mga proyekto na iniwan ng nagdaang administrasyon ay dapat lamang na makunsiderang bahagi ng ‘accomplishments’ ng Duterte administration.
“The maturity of a bureaucracy and the maturity of a country is also measured by the continuity of the programs,” aniya pa rin.
Nauna rito, iginiit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na ang “Build, Build, Build” infrastructure program ay naging matagumpay.
Aniya, may mga infra projects na hindi naipatupad, ito’y dahil sa ang proyekto ng pamahalaan ay mayroong “high rate of returns.” (Daris Jose)
-
PhilMech, namahagi ng iba’t ibang agricultural machinery sa lalawigan ng Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang bilang na 44 na iba’t ibang magsasaka, kooperatiba, asosasyon at lokal na pamahalaan sa Bulacan ang tumanggap ng sertipiko ng pagkakaloob para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Farm Machinery ng Department of Agriculture sa ginanap na “Provincial Turn-over of Agricultural Machinery for the Province of Bulacan under the RCEF […]
-
Pinagpapatuloy ang ‘legacy of philanthropy’ ng pamilya: MICHELLE, pinarangalan ng FFCCCII dahil sa kanyang accomplishments
PINARANGALAN si Miss Philippines Universe 2023 Michelle Marquez Dee ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII) dahil sa kanyang outstanding performance sa Miss Universe na kung saan umabot siya sa Top 10. Iginawad kay Michelle ang special plaque noong December 28, sa Federation Center ng FFCCCII na matatagpuan […]
-
Magla-live na raw ang ‘Eat Bulaga’: TVJ, kino-contest pa rin na makuha ang title ng show
PINAG-UUSAPAN lalo na nang magpaalam na nga ang TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa 43 years nilang noontime show na “Eat Bulaga” noong May 31. Nasundan pa ito ng mass resignation naman ng halos lahat ng host at staff ng show. Naiwan ang TAPE Incorporated […]