• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unreleased Bayanihan 2 funds, pinabubusisi

Mahigit 30 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihikayat sa na magsagawa nang imbestigasyon sa pagpapalabas at paggamit ng pondo na inilaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act.

 

 

Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, isa sa mga awtor ng House Resolution 1558, kailangang malaman kung sino ang dapat managot sa pagkaka-delay sa releases ng naturang pondo.

 

 

Base sa ulat ng Office of the President na ipinalabas noong November 3, 2020, sa P140 bilyong nakalaan para sa Bayanihan 2, tanging P76.2B lamang ang naipalabas.

 

 

Dagdag pa dito, nasa total na P39.4B  nakalaan bilang kapital sa mga government financial institutions (GFIs) na itutulong sa mga micro-small-medium enterprises mula sa economic impact ng COVID-19 pandemic at dagdag trabaho ay hindi pa umano nakakarating sa mga dapat na benepisaryo nito.

 

 

“The pandemic is now only a month shy from reaching its first year and the country is still reeling from the impact of an economic nosedive. If we don’t act on this, the economic revival we all hope for will not materialize,” ani Garin.

 

 

Sa 4.5 milyong nagtatrabahong pinoy na nanganib mawalan ng trabaho, layon ng imbestigasyon na mabigyang liwanag ang posibleng mga solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa. (ARA ROMERO)

Other News
  • 30th FIBA Asia Cup 2021 qualifier 3rd window tagilid

    NAMEMELIGRONG mapagpaliban ang 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Men’s Basketball Championship 2021 qualifier third window sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center at sa Clark Freeport sa Angeles City, Pampanga sa Pebrero 15-23.   Ito ay bunsod sa natuklasang mabilis na nakakahawang bagong variant ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na […]

  • Knott itinakbo ang silver sa Littlefield Texas Relays

    KUMAKASANG pumangalawa para masakote ang silver medal sa 93rd Clyde Littlefield Texas Relays 2021 women’s 100-meter dash nitong Marso 25-28 sa Mike A. Myers Track & Soccer Stadium ng University of Texas sa Austin sa USA si 32nd Summer Olympic Games 2020 Tokyo, Japan hopeful Kristina marie Knott .     Nagtala ng 11.54 segundo […]

  • Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

    INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.   Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard […]