UP, NU ayaw bumitaw sa unahan
- Published on October 21, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagsososyo ng nagdedepensang University of the Philippines at National University sa liderato sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
Ito ay matapos talunin ng UP ang University of the East, 84-77, at gibain ng NU ang De La Salle University, 80-76, para sa magkatulad nilang 5-1 record kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Isang 15-3 bomba ang inihulog ng Fighting Maroons sa fourth quarter para itayo ang 69-58 kalamangan sa 6:13 minuto.
Ngunit naputol ito ng Red Warriors, may 3-3 marka ngayon, sa 77-80 agwat mula sa dalawang sunod na triples ni CJ Payawal at layup ni Nikko Paranada sa natitirang 15.3 segundo.
Tumipa naman si Steve Nash Enriquez ng 16 points, 3 rebounds at 2 assists para pamunuan ang pagsakmal ng Bulldogs sa Green Archers (3-3), habang kumolekta si John Lloyd Clemente ng 16 points at 10 boards.
“Hopefully coming to second round, improve pa,” ani coach Jeff Napa. “We have to take care like our next game against FEU.”
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng NU na winakasan din ang kanilang 10-game losing skid sa La Salle simula noong 2015.
Nauna nang tinapos ng Bulldogs ang kanilang five-year slump sa Fighting Maroons.
Samantala, umiskor si Kai Ballungay ng season-high na 21 points para sa 76-55 pagdagit ng Ateneo Blue Eagles (4-2) sa Adamson Falcons (2-4).
-
Gaya ng ginawa sa ‘Miss Grand Philippines 2023’: HERLENE, gagamit uli ng interpreter sa ‘Miss World Tourism’ sa London
KINUMPIRMA ni Herlene Budol na muli siyang gagamit ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, gaya ng ginawa niya sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023. Ginulat ng bida ng ‘Magandang Dilag’ ang lahat nang gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion. “Oo. Dito nga po sa […]
-
Ads April 24, 2021
-
Inaprubahan ng House justice panel ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa import ng Ginebra na si Brownlee
Inaprubahan ng House justice panel nitong Miyerkules ang panukalang nagbibigay ng Filipino citizenship sa American basketball player na si Justin Donta Brownlee na isang hakbang para maging kwalipikado siyang maglaro sa Gilas Pilipinas men’s basketball team. Nabuo ito matapos na magkaisang inaprubahan ng panel ang House Bill 825 na inakda ni Representative Mikee Romero […]