US itinangging dahil sa cyber attacks ang nangyaring aberya sa paliparan
- Published on January 13, 2023
- by @peoplesbalita
ITINANGGI ni US na nagkaroon ng cyber attack matapos ang nangyaring aberya sa kanilang mga paliparan nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay US Transportation Secretary Pete Buttigieg, na walang ebidensiya o indikasyon na nagkaroon ng cyber attack.
Ganun pa man ay hindi pa rin nila isinasantabi ang nasabing usapin at patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon.
Iniutos na rin ni US President Joe Biden ang malawakang imbestigasyon sa nangyaring insidente.
Magugunitang aabot sa halos 7,000 na mga flights ang naantala habang mahigit 1,000 flights ang nakansela dahil sa insidente.
Base sa unang imbestigasyon ng Federal Administration Aviation na nagkaroon ng problema ang Notice to Air Mission system na siyang nagbibigay ng babala sa mga piloto sakaling may aberya sa paliparan.
Umabot sa ilang oras bago naibalik sa normal ang mga flights. (Daris Jose)
-
Kamukha niya at nagmana sa singing voice: SHARON, may touching birthday message kay MIEL na nag-introduce sa K-Pop world
NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ng series of photos last week, kasama ng kanyang birthday message para ang bunsong anak na babae na si Miel Pangilinan. Caption niya, “Happy 18th Birthday to my youngest baby girl, my third princess, Mariel Daniella Sophia. Miel, you look like me, even sound like […]
-
PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas. Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021. Sa unang tatlong […]
-
LTO nag-isyu ng SCO vs Vlogger-Rider na nag-upload ng tahasang paglabag sa patakaran ng motorsiklo sa mga expressway
NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) Huwebes, September 12, ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang rider na sadyang pumasok sa South Luzon Expressway (SLEX) kahit alam niyang bawal ang kanyang motorsiklo sa ilalim ng umiiral na mga patakaran. Batay sa umiiral na alituntunin, mahigpit na ipinagbabawal sa expressway ang mga motorsiklong […]