• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US, nakahandang suportahan ang PH tungo sa transition para sa renewable energy

NAKAHANDANG tulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa transition nito tungo sa pagkakaroon ng renewable energy.

 

 

Sa pagbisita ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng opisyal na ang renewable energy ay kritikal para sa buong mundo maging sa seguridad ng ating planeta. Ito rin aniya ang nagiging tampulan ng paksa sa bawat gobyerno sa mga bansang kanyang napupuntahan.

 

 

Kinikilala rin ng US top official ang pagnanais ng mga gobyerno sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas na subukan ang pagtransition sa renewable energy sa pamamagitan ng solar, wind at ng isang safe at effective na small modular nuclear reactors.

 

 

Kung kaya’t malugod aniya ang US na makapagbigay ng technical assistance at experts na tutulong para maisakatuparan ang naturang transition.

 

 

Ipinaubaya naman na ni Sherman ang pagbibigay ng detalye kay President-elect Marcos hinggil sa kanilang napag-usapan hinggil sa planong pag-revive ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa kanilang naging bilateral meeting.

 

 

Ngunit sinabi si Sherman na kanilang napag-usapan ang lahat ng elemento may kaugnayan sa clean energy future.

 

 

Nauna ng sinabi ni Marcos na bahagi ng kanyang agenda ang muling pagbuhay sa BNPP bilang karagdagang source ng malinis at murang suplay ng kuryente. (Daris Jose)

Other News
  • 2 INDIANS AT ISANG TAIWANESE NASABAT NG BI

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese na wanted sa kanilang lugar dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps.     Kinilala ni  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians […]

  • Erik Spoelstra, pinili ng mga NBA general managers bilang ‘best head coach’

    NAPILI  bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager.       Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season.     Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion […]

  • Nazario sampa sa propesyonal

    UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.     Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach […]