US, nangako ng mahigit na ₱430M funding para sa PH maritime law enforcement agencies
- Published on November 24, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million, o mahigit ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong.
Inihayag ito ng White House sa kahalintulad na araw ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan na malapit sa “hotly contested Spratly Islands.”
“The funding will strengthen the agencies’ capabilities to counter illegal fishing, improve maritime domain awareness, and provide search and rescue support, including in the disputed South China Sea,” ayon sa Estados Unidos.
Sinabi pa ng Estados Unidos na ang kanilang Trade and Development Agency, “pending Congressional notification,” ay makatutulong sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-upgrade at pagpapalawig ng vessel traffic management system nito para sa pinahusay na maritime safety at environmental monitoring.
Tinawag naman ng White House ang pagbisita ni Harris sa Palawan na “historic,” si Harris kasi ang pinakamataas na ranking US official na bumisita sa lalawigan, kilala bilang “last ecological frontier” ng Pilipinas.
Makakadaupang palad naman nito ang mga miyembro ng PCG at talakayin ang umiiral at future partnerships na may kinalaman sa ahensiya.
Samantala, sinabi naman ng Washington na maglulunsad ang United States Agency for International Development ng bagong inisyatiba kabilang na ang “grant to a local organization” para suportahan ang traditional livelihoods at mapanatili ang fishing practices sa bansa.
Layon din nito na palakasin ang food security at isulong ang pangangalaga sa marine ecosystems sa South China Sea na sinasabing vulnerable sa ‘development at climate change.’
Maliban sa pakikipagpulong sa PCG, si Harris ay nakatakdang bumisita sa village ng Tagburos kung saan nanggaling ang kalahati ng fish supply ng Puerto Princesa.
Nakatakda naman niton makapulong ang mga local leaders at mga residente para pag-usapan ang epekto ng “illegal, unregulated, and unreported fishing.” (Daris Jose)
-
Pagbibibigay-pugay sa mga co-stars, sinaluduhan ng netizens: DINGDONG, pinahanga nang husto ni DION sa pagiging mahusay na stand-in actor
TULAD ng pinangako ni Dingdong Dantes na gumaganap na kambal na mini–series na I Can See You: AlterNate, ipinakilala niya last Monday ang stand-in Kapuso actor na wala iba kundi si Dion Ignacio, na labis-labis niyang hinangaan. At para magawa nang mas maayos ang mga eksena nina “Nate” at “Miguel”, ang aktor nga […]
-
DAGDAG SAHOD, PINAPAG-ARALAN
BINABANTAYAN ngayon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) para makita kung kailangan ng panibagong dagdag sahod sa gitna ng pare-parehong pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin, ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma nitong Martes. Kasunod ito ng panawagan ng Partido Manggagawa ng P100 across-the-board na pagtaas sa minimum wage sa […]
-
Knockout: Donaire nasungkit ang WBC title vs French boxer Oubaali
Matagumpay na nasungkit ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang World Boxing Council (WBC) bantamweight title matapos patumbahin ang French boxer na si Nordine Oubaali. Nanalo sa pamamagitan ng “knockout” ang Pinoy boxer sa California. Hindi na nagawang depensahan ni Oubaali ang kanyang titulo nang pasadahan siya ng left blow sa ikaapat […]