US, Pinas, tinalakay ang ‘destabilizing activities’ sa pinagtatalunang katubigan
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
NAGDAOS ng pag-uusap ang Maynila at Washington hinggil sa konkretong aksyon para tugunan ang “destabilizing activities” sa Philippine waters.
“We discussed concrete actions to address destabilizing activities in the waters surrounding the Philippines including the West Philippine Sea,” ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin III.
“And we remain committed to strengthening our mutual capacities to resist armed attack,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, pinagtibay nila ng kanyang Filipino counterpart na si Carlito Galvez Jr. ang kanilang ‘commitment’ sa ilalim ng decades-old Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
“We note the Mutual Defense Treaty applies to armed attacks on either of our armed forces, public vessels, or aircraft anywhere in the South China Sea or the West Philippine Sea,” paliwanag ni Austin.
Ang Estados Unidos ay magkakaroon na ng “wide access” sa military camps sa Pilipinas matapos na pumayag ang Maynila na magtalaga ng apat pang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites – karagdagan sa orihinal na lima.
Nangako rin ang Washington na tutulong para i-modernize ang Philippine military.
Winika ni Austin na ang pagsisikap na ito ay “especially important” habang ang China ay “continues to advance its illegitimate claims” sa West Philippine Sea. (Daris Jose)
-
First time na mag-e-endorse ng underwear brand: JOSEPH, diet muna ngayong Pasko at Bagong Taon para sa sexy photo shot
FIRST time na mag-e-endorse ang Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco ng kilala at sikat na underwear brand na Hanford na itinatag pa noong 1954 na matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy sa mga nakaraang henerasyon. Aminado si Joseph na matagal na niyang dream na magkaroon ng underwear endorsement at makita ang sarili […]
-
Canada-PH defense cooperation deal, inaasahan sa January 2024
UMAASA ang Canada at Pilipinas na mapipirmahan ng mga ito ang memorandum of understanding (MOU) hinggil sa defense cooperation sa Enero 2024. Isang kasunduan na makapagbubukas sa oportunidad para sa isang visiting forces agreement (VFA). Sa isang panayam, sinabi ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman na tinapos na ng […]
-
PBBM, bumuo ng inter-agency body para sa inflation, market outlook
NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order (EO) para direktang tugunan ang inflation at palakasin ang inisyatiba para mapabuti ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Filipino. Ang EO No. 28, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang Mayo 26, ay nag-aatas na lumikha ng Inter-Agency Committee on Inflation […]