• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US Tennis Open, bubuksan

Naghahanda na ang organizer ng US Tennis Open sa muling pagbubukas ng torneo at sinabing payag silang gawin ito kahit walang audience bilang pagtupad sa mahigpit na health protocols ng gobyerno.

 

Ayon kay US Tennis Association (USTA) spokesman Chis Wilderman target nilang buksan ang torneo sa  Agosto sa New York.

 

Agad umano nilang iaanunsiyo ang mga pagbabago sakaling maaprubahan ng ang kanilang proposal.

 

Sinabi naman ni Richard Azzopardi, tagapagsalita ni New York Governor Andrew Cuomon, na pinag-aaralan na nila ang natanggap na proposal mula sa USTA.

 

Sinuspinde ang mga tennis tournament mula pa noong Marso matapos sumiklab ang coronavirus pandemic sa US.

 

Inilipat na rin ang French Open sa Setyembre 13 mula sa orihinal na petsang Mayo habang ang prestihiyosong Wimbledon ay kanselado na ngayong taon.

Other News
  • Ex-FIFA President Blatter tinawag na isang pagkakamali ang pagiging host ng Qatar sa FIFA World Cup

    TINAWAG  na isang malaking pagkakamali ni dating FIFA president Sepp Blatter ang pag-award ng 2022 World Cup sa Qatar.     Kasunod ito sa batikos na kinakaharap ng Qatar dahil sa talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao at ang hindi pagkontra sa same-sex relationship ganun din ang hindi magandang trato sa mga migrant workers.   […]

  • 2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN

    TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City.     Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit […]

  • Ads February 20, 2020