• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US Tennis Open, bubuksan

Naghahanda na ang organizer ng US Tennis Open sa muling pagbubukas ng torneo at sinabing payag silang gawin ito kahit walang audience bilang pagtupad sa mahigpit na health protocols ng gobyerno.

 

Ayon kay US Tennis Association (USTA) spokesman Chis Wilderman target nilang buksan ang torneo sa  Agosto sa New York.

 

Agad umano nilang iaanunsiyo ang mga pagbabago sakaling maaprubahan ng ang kanilang proposal.

 

Sinabi naman ni Richard Azzopardi, tagapagsalita ni New York Governor Andrew Cuomon, na pinag-aaralan na nila ang natanggap na proposal mula sa USTA.

 

Sinuspinde ang mga tennis tournament mula pa noong Marso matapos sumiklab ang coronavirus pandemic sa US.

 

Inilipat na rin ang French Open sa Setyembre 13 mula sa orihinal na petsang Mayo habang ang prestihiyosong Wimbledon ay kanselado na ngayong taon.

Other News
  • Lacson, Gonzales nagbabala ng ‘destabilization’ kung mananalo si Marcos Jr. sa Halalan 2022

    KAPWA nagbabala sina Presidential bets Sen. Panfilo Lacson at dating defense secretary Norberto Gonzales sa posibleng mangyaring “destabilization” sa bansa kung mananalo sa pagka-pangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Sa isang press conference sa Manila Peninsula, araw ng Linggo, sinabi nina Lacson at Gonzales, kasama ang kapuwa presidential candidate na si […]

  • Huwag agad maniwala sa ‘fake news’ – Comelec

    MULING  nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga kumakalat na ‘fake news’ lalo na sa social media.     Kasunod ito nang pagkalat umano ng mga video na may ilang mga guro mula sa Sultan Kudarat ang nilalagyan na ng shade ang mga balota kahit na ipinagbabawal ito […]

  • Lim, 5 pa mangangarate sa 2 torneo bago mag-WOQT

    SASABAK muna sa dalawang torneo si 2019 Philippines Southeast Asian Games 2019 women’s karate gold medalist Jamie Christine Lim at limang kapwa karate bago mag-World Olympic Qualification Tournament (WOQT) sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13   Ang tatlong araw na WOQT ang huling paligsahan sa mga nais pang humabol sa 32nd Summer Olympic […]