• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US top diplomat muling bibisita sa Ukraine sa kabila ng banta na World War III ng Russia

BABALIK pa sa Ukraine nitong Linggo si US Secretary of State Antony Blinken matapos ang pakigpulong nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Kyiv.

 

 

Ito ay sa kabila ng babala ng Russia na maaaring magresulta sa World War III ang labanan sa Ukraine matapos ang ginawang pagbisita nito kasama si Defense Secretary Lloyd Austin.

 

 

Mas nag-trigger ang conflict dahil sa suporta ng mga Western Nations sa Ukraine sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga weapons laban sa Russian troops.

 

 

Pinuna naman ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov ang diskarte ng Kyiv sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan.

 

 

Magugunitang, sa loob ng maraming buwan, humihingi si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyado ng Ukraine ng mga heavy weapons– kabilang ang artillery at fighter jet.

 

 

Napag-alaman na sina Blinken at Austin ang mga highest-level US officials na bumisita sa Ukraine simula ng pananalakay ng Russia.

Other News
  • VP Leni, kuwalipikado na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine- Sec. Roque

    DAHIL hindi pa naman senior citizen ay kuwalipikado si Vice President Leni Robredo na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na batid naman ng lahat na nagpahayag ng kahandaan ang bise-presidente na makakuha ng COVID-19 vaccine.   Aniya pa, ang edad ni Robredo na 55 ay tama lamang sa […]

  • MPD AT NPC, NAG-USAP

    NAKIPAGDAYALOGO  ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa  National Press Club o NPC para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr .     Sa kanyang kautusan, inatasan ang mga district director  na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa […]

  • Ho nasasabik na sa Pasko

    BUWAN na ng setyembre  kya ramdam na ng dating athlete-TV host na si Gretchen Ho ang Kapaskuhan.   “I have spent the past four years greeting the start of the Christmas season on TV w/ a loud ‘ho-ho-ho’,” ppahayag nitong isang araw sa Instagram account niya ng former Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association […]