Utah Jazz may 3 wins na matapos malusutan sa double overtime ang Pelicans
- Published on October 25, 2022
- by @peoplesbalita
NANANATILING malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game.
Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para tuluyang makuha ang kanilang ikatlong panalo.
Ang Filipino-American na si Jordan Clarkson ay nag-ambag naman ng 18 points kasama na ang tatlong 3 pointers.
Tinangka pa ng Pelicans na makabangon pero isinalba nina Markkanen at Kelly Olynyk ang Utah sa pamamagitan ng clutch baskets sa overtime.
-
HR Defenders bill, mapanganib- NTF-ELCAC
MAPANGANIB at maaaring labag sa Saligang Batas ang Human Rights Defenders bill. Bahagi ito ng kalatas na ipinalabas ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang batas sa pangatlo at huling pagbasa noong nakaraang Lunes, na may 200 affirmative votes, zero negative, at […]
-
COVID-19 cases sa NCR, tumaas – OCTA
NAKAPAGTALA ang OCTA Research Group ng 7 porsyentong pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang mga nakalipas na paalala na maaaring magkaroon ng panibagong surge sa bansa na idudulot ng mga sub-variants ng Omicron. Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng […]
-
Toll rates para sa Skyway 3, inilabas na ng TRB
Nag-isyu na ng aprubadong toll rates ang Toll Regulatory Board (TRB) na sisingilin sa mga motorista na gagamit ng Skyway Stage 3 elevated expressway. Kasunod ito ng anunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na simula sa Hulyo 12 ay magsisimula na silang maningil ng toll fee para sa Skyway 3. Ayon […]