• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng gobyerno ng Pinas, pumalo na sa P12T mark

LUMOBO na ang utang ng gobyerno ng Pilipinas at nakapagtala ito ng bagong record-high at nasira ang P12-trillion mark “as of end-January” ngayong taon sa gitna ng nagpapatuloy na borrowing efforts para palakasin ang pananalapi para sa COVID-19 recovery measures.

 

 

Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr).

 

 

Makikita sa treasury data na sa pagtatapos ng Enero, ang outstanding debt ng national government ay pumalo na sa P12.03 trillion, 2.6% na mas mataas sa P11.73 trillion debt na naitala “as of end-December 2021.”

 

 

“The month-on-month increase in the government’s total debt stock was due to “the net availment of both domestic and external debt. Year-on-year, the total outstanding debt grew 16.5% from the P10.33 trillion posted as of end-January 2021,” ayon sa BTr.

 

 

Ang utang ng pamahalaan ay binubuo ng domestic borrowings na may 69.6%, habang ang balanse na 30.4% ay nagmula sa external.

 

 

Todo-depensa naman si Finance Secretary Carlos Dominguez sa tumaas na programmed debt ng bansa kung saan inaasahan na tatama sa “internationally recommended threshold” na 60% proportion na gross domestic product ngayong taon.

 

 

Nagtapos ang 2021 ng Pilipinas na mayroong debt-to-GDP ratio na 60.5%, bahagyang pagtaas sa tinatawag na accepted sustainable threshold.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Dominguez na hinahanda na ng Department of Finance (DOF) ang kanilang fiscal consolidation proposal  kung saan nakapaloob ang pagpapataas sa buwis para bayaran ang tumataas na utang ng bansa.

 

 

Handa naman si Dominguez na umupo at talakayin sa lahat ng mga presidential candidates kung paano ima-manage ng susunod na pangulo ang “trillions of pesos” na utang ng pamahalaan na maiiwang pamana ng administrasyong Duterte.

 

 

“Domestic debt totaled P8.37 trillion, 2.4% higher than the end-December 2021 level of P8.17 trillion. This is primarily due to net availment of domestic financing amounting to P197.04 billion including the P300 billion provisional advances availed by the NG (national government) from the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) for budgetary support,” ayon sa BTr.

 

 

Samantala, ang External debt ay pumalo na sa P3.66 trillion, tumaas ng 2.9% mula P3.6 trillion isa pagtatapos ng Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

“For January, the increment in external debt was attributed to the impact of peso depreciation against the US dollar amounting to P11.23 billion and the net availment of external obligations amounting to P94.88 billion,” ayon sa BTr sabay sabing ” local currency depreciated against the greenback from P50.974:$1 as end-December 2021 to P51.135:$1 as end-January 2022.”

 

 

“These were tempered by valuation adjustments in other foreign currencies amounting to P2.37 billion,” dagdag na pahayag ng Treasury. (Daris Jose)

Other News
  • BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa

    NAGLABAS  ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.     Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay […]

  • Galvez, clueless kung may koneksyon kay Yang ang mg executives ng Pharmally

    CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies.   Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM […]

  • Taylor Swift, malaya na muling i-record ang limang hit albums

    SA December na iluluwal ni Aicelle Santos ang first baby nila ni Mark Zambrano at ang napili nilang name para kay Baby Z ay Zandrine Anne.   Ni-reveal nila ito sa naganap na virtual baby shower kamakailan.   Pinost ni Aicelle ang highlights ng baby shower sa kanyang Instagram.   “Still on a high from […]