• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng PH pumalo na sa record-high P11.6-T – BTr

Pumalo na sa record-high P11.642 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Agosto 2021, base sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr).

 

 

Ayon sa ahensya, hanggang noong katapusan ng Agosto, ang outstanding debt ng pamahalaan ay tumaas ng 0.28 o P32.05 billion mula sa P11.61 trillion na naitala noon lamang katapusan ng Hulyo, 2021.

 

 

Ang year-on-year debt balance naman ay tumaas ng 21.1 percent mula sa P9.615 trillion hanggang noong katapusan ng Agosto ng nakalipas na taon.

 

 

Samantala, ang year-to-date total outstanding debt ay umakyat ng P1.847 trillion o katumbas ng 18.9 percent.

 

 

Sinabi ng BTr na ang paglaki ng utang ng pamahalaan ay dahil sa “domestic debt issuance” bilang bahagi ng financing ng pamahalaan.

 

 

Sa total debt stock, 29.4 percent ang nanggaling sa ibang mga bansa habang 70.6 percent naman ang inutang dito mismo sa loob ng Pilipinas.

Other News
  • E-Commerce bill, hiniling ng DTI sa Senado na aprubahan

    HINILING ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado na aprubahan ang pagpapasa upang maging ganap na batas ang  Internet Transactions Act.     Sinabi ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco  na ang Internet Transactions Act, o  E-Commerce law, ay isa sa mga priority legislative agenda ng administrasyong Marcos.     “We’d like […]

  • 3 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD

    NASAGIP  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa kasagsagan  ng bagyong Dante sa Northern Cebu.     Ayon sa PCG-Tudela Station, naputol ang propeller ng motorbanca na sinasakyan ng mga pumalaot na mangingisda kasabay ng malakas na pag-ulan.     Dahil dito, nagpalutang-lutang ang kanilang motorbanca hanggang mapadpad sa […]

  • IRR ng child car seat law kinuwestyon ng mambabatas, posible umanong magamit sa katiwalian

    Ibinunyag ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na mayroong pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng House Committee on Transportation na irekomenda ang suspensyon sa implementasyon ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, at nais nilang maghain ng panukala para isuspindi ang naturang batas.     Bagama’t binigyang-diin niya ang […]