Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).
Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth.
Giit ni Gordon, patuloy pa rin tataas ang bayarin ng PhilHealth dahil araw-araw ay may P25 milyon halaga ng COVID testing ang isinasagawa ng PRC na ipinapasagot sa PhilHealth.
Nakapagbayad na ang PhilHealth ng P500 milyon noong Oktubre at P100 milyon nitong Nobyembre. Nitong Nobyembre 5, sinabi ng pamahalaan na P700 milyon na ang nababayaran nila sa PRC.
Idinagdag pa ng Senador na lumalaki ang bayarin ng PhilHealth dahil hindi sila tumutupad sa usapan na kada ikatlong araw ay magbabayad sila, subalit sa ngayon ay nasa average na siyam na araw hanggang 12 araw bago umano magbayad ang PhilHealth. (ARA ROMERO)
-
COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research. Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw. Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat […]
-
Ads January 10, 2023
-
PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy
PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara sa pagitan ng kanyang anti-wang-wang policy at kay dating Pangulong Benigno Aquino III, nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong panahon ng kanyang termino. Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng […]